Ateneo basketball star Kiefer Ravena admits breakup with DLSU volleyball player Mika Reyes; clears name of Jasmine Curtis-Smith

“There was no third party or anyone else involved in the breakup. I just want to make myself clear and stop all the speculations na mayro’n ngang nangyari,” says basketball star Kiefer Ravena about his breakup with fellow UAAP athlete Mika Reyes.


Bagamat hindi taga-showbiz, hindi pa rin nakaiwas ang Ateneo basketball star na si Kiefer Ravena na matanong tungkol sa balitang break na raw sila ng girlfriend niyang si Mika Reyes, volleyball player ng De La Salle University.

Sa press conference ng bagong comedy show ng TV5 na kinabibilangan niya, ang No Harm No Foul, kahapon, July 2, kinumusta ng reporters ang relasyon ni Kiefer kay Mika.

Bago pa man siya makasagot, isa sa mga cast ng show ang sumingit at tinanong siya: “Break na ba kayo?”

Hindi agad nakasagot si Kiefer.

Sa halip, sabi niya, “Ano naman... let's just wait for Mika to [speak about it].

“I'm not in the position to talk about it. Let's just wait for her.

"I don't want to talk about it."

Ganito rin ang naging tugon ni Kiefer nang makausap siya muli ng entertainment reporters pagkatapos ng presscon presscon.

Aniya, “I’m just not in the position to talk about that. It’ll be better if it comes from her.”

Ngunit nang tanungin kung sila pa rin ni Mika, inamin na ni Kiefer ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sabi niya, “Well, hindi na kami.

"But the story regarding how it happened, I don’t want to talk about that."


SINGLE, UNATTACHED. Nilinaw ni Kiefer na single siya ngayon, kaya walang katotohanan ang pagkaka-link niya sa TV5 actress na si Jasmine Curtis-Smith.

“That’s new,” komento ni Kiefer. “Jas and I, I think we go along well.

“We’re good friends, we’re schoolmates for a year and there’s nothing more than that.”

Sa tingin ni Kiefer, nagsimula ang isyu na ito nang may nagtanong sa kanya kung sino ang gusto niyang maging leading lady.

Paliwanag pa niya tungkol sa samahan nila ni Jasmine, “Kasi, with Jas being my friend, matutulungan niya ako to work easier.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Comfortable ako sa kanya kasi nga magkaibigan kami.

"So, yun lang siguro."

Kaya naman nakiusap siyang huwag nang idamay ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis sa paghihiwalay nila ni Mika.

“Well, kawawa naman si Jas, nananahimik siya.

"I guess it’s time to respect her as a private person," sabi ni Kiefer.

Nilinaw rin ng basketball player na hindi third party ang dahilan ng pagtatapos ng relasyon nila ni Mika.

“I would like to clear myself on that.

“There was no third party as what people speculate.

“There was none, there was no third party or anyone else involved in the breakup.

“I just want to make myself clear and stop all the speculations na mayroon ngang nangyari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN