Richard Gutierrez on appearing in ABS-CBN shows: "Freelance naman ako, wala namang magagalit na network."

Being a freelancer, Richard Gutierrez can opt to do projects with ABS-CBN. He says, "Wala pa akong nakakatrabaho na artista dito, at alam naman natin na maraming mahuhusay na artista at direktor dito."


Si Richard Gutierrez ang naging celebrity contestant sa Kapamilya Deal Or No Deal game show ng Kapamilya network noong Lunes, June 29.

Hindi man pinalad na maiuwi ang P1-million jackpot prize, na-enjoy naman daw ng aktor ang karanasan na maglaro sa nasabing programa.

Sabi ni Richard sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre excited ako, first time kong maglaro dito and first time ko ring makasama si Luis [Manzano] sa show niya.

“Lagi kaming nagkikita sa gym, pero ngayon nagkasama kami sa Deal Or No Deal.

“I was really excited to play the game.”

Dahil sa paglabas niya sa programa ni Luis, marami ang nagtatanong kung hudyat na kaya ito ng paggawa na rin ng proyekto ni Richard sa ABS-CBN.

Sagot ng dating Kapuso contract star, “Hindi ko alam, pero technically kasi yung It Takes Gutz To Be A Gutierrez, in-acquire ng TFC [The Filipino Channel].

“Technically, yung show namin ay nasa Kapamilya network.

“It’s good, it’s a great collaboration with TFC that It Takes Gutz To Be A Gutierrez wil be shown all over the world.

“Yung mga kababayan natin from Europe, from America, from the Middle East, lahat sila makakapanood na.

“It’s a great partnership so far with the TFC.

"Freelance naman ako, wala namang magagalit na network."

Sino ang mga gusto niyang makatrabaho sa ABS-CBN?

Sagot ni Richard, “Marami, given an opportunity to work here and have good projects here is a different venture for me.

“Kasi wala pa akong nakakatrabaho na artista dito, at alam naman natin na maraming mahuhusay na artista at direktor dito.

“Given the opportunity, why not? I will definitely enjoy.”


COMPROMISE. Nasa ilalim na ng pamamahala ng Viva Entertainment ang girlfriend ni Richard na si Sarah Lahbati.

Sabi ni Richard tungkol dito, “Sarah knows kung ano ang mga para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I trust her and I know she can take care of herself, walang limitations.

“I’m happy for her. I want her to enjoy and just enjoy the experience of work.”

Hindi kaya maging problema ang oras nina Richard at Sarah para sa anak nilang si Zion?

Sagot ng aktor, “Yun talaga, siyempre may compromise yun, especially with time, time she spends with Zion.

“Ngayon, sanay kami na hinahatid namin siya sa toddler’s school, tapos sinusundo namin.

“Siyempre, may compromise kapag nagkaroon siya ng regular show soon, we are ready for that.

“Dinidiskartehan na lang namin, tulad ngayon kasama ko si Zion.

“Kapag may opportunity na isama ko si Zion, isinasama namin siya.”

Kailan naman kaya mauuwi sa kasalan ang relasyon nila, lalo’t mayroon na silang anak?

Ayon kay Richard, “We’re very strong, our relationship is very good right now.

"We’re in a good place, we’re happy.

"We’re enjoying life, we’re enjoying each other’s company, especially now na si Zion is two years old na.

“We’re just enjoying our time with Zion.

“Kasal? Siyempre napag-uusapan namin, but it will come at the right time and you, guys, will know.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN