Nadine Samonte envies Marian Rivera’s pregnancy; admits problem in getting pregnant

Nadine Samonte admits she has problem getting pregnant: "Sabi ko nga, ’Why of all, ako pa?’ Sabi nga niya [Richard], kasi may times na nadi-depress ako, may times na pareho na kami na, ’Ba’t ganun?’ Pero siyempre, kailangang hindi mawala yung faith, e. Kailangang nandun pa rin, e. Hindi ka bibitaw. Sabi ko, ’We are not giving up.’"


"Inggit, yun lang... inggit lang ako sa kanya."

Ito ang sagot ni Nadine Samonte nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang masasabi niya sa pagbubuntis ng kaibigan niyang si Marian Rivera.

Limang buwan nang buntis ngayon si Marian sa unang anak nila ni Dingdong Dantes.

Sa kabilang banda, dalawang taon nang kasal si Nadine sa mister niyang si Richard Chua, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila binibiyayaan ng anak.

Nagkatrabaho sina Nadine at Marian sa mga GMA primetime series na Super Twins (2007), Darna (2009), at Endless Love (2010).

Sabi ni Nadine tungkol kay Marian, "Ka-text ko nga si Marian, kasi dapat ay magkikita kami pero 'di nagtatagpo ang schedule namin.

"Sabi ko sa kanya, 'So, Yanyan, ano, e...'

"Sagot naman niya, 'Wag kang mag-alala, magkakaroon ka rin.'

"Sabi ko nga sa kanya, 'Naunahan mo pa ako.'"

Nang malaman daw ni Nadine na babae ang magiging anak nina Marian at Dingdong, mas lalo raw siyang nainggit dahil yun din ang pangarap niya kung sakaling biyayaan sila ni Richard ng anak.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa opening ng negosyo nilang mag-asawa, ang Shawarmama, na matatagpuan sa AGS Plaza, Buendia, Makati City, noong July 1.

WHY ME? Ipinagtaka naman ni Nadine ang balitang kumalat noong nakaraang buwan na buntis na raw siya.

Natatawang sabi ng StarStruck alumna, "Oo nga, e. Nauna pa yung tsismis sa akin!

“Hindi ko nga alam kung saan nila nakuha yun, e.

“Hindi totoo, pero gustung-gusto na namin, waiting pa rin kami for the right time.

“Magtu-two years na kaming nagta-try, pero 'di pa ibinibigay ni Lord.”

Tinanong namin si Nadine kung may diperensiya ba sinuman sa kanila ni Richard.

Medyo alangang sagot ng aktres, "Paano ko ba i-explain ito?

"A… may konting problema sa akin so inaayos pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpapagamot naman ako, may results na kaming hinihintay from the States.”

Ano ang reaksiyon ng kanyang asawa tungkol dito?

Ayon kay Nadine, "Naiintindihan naman niya.

"Ang sa amin lang naman, e, there's always a reason for everything naman.

"Inip na inip na ako, sobra!

"Kasi, actually, kami… sabi ko nga, 'Why of all, ako pa?'

"Sabi nga niya [Richard], kasi may times na nadi-depress ako, may times na pareho na kami na, 'Ba't ganun?'

"Pero siyempre, kailangang hindi mawala yung faith, e.

“Kailangang nandun pa rin, e. Hindi ka bibitaw.

“Sabi ko, 'We are not giving up.' Sabi ko rin yun sa kanya."

MARRIED LIFE. Kaya nga, ang ginagawa nina Nadine at Richard ay ini-enjoy nila ang kanilang married life habang naghihintay ng kanilang ‘little angel.’

Sabi ni Nadine, “Yun din ang isa pang reason. Ini-enjoy namin ang isa't isa.

“Mag-aaral ako ngayong July, for six months.

"It's Diploma in Baking and Pastry Arts sa Asian Institute of Culinary Arts.

"So, after that, magkakaroon ako ng diploma for college and ang mga OJT [on-the-job training] namin ay sa hotels and restaurants.

"Excited naman ako."

Ibig bang sabihin nito ay iiwanan na niya nang tuluyan ang showbiz?

Sagot ng aktres, "Babalik ako, why not, 'di ba? Basta merong offers.

"At saka, half-day lang naman ako sa school, every day 'yan, so okey lang ako.

"Gusto ko rin naman magkaroon ng iba pang career, kasi after this Shawarmama, may business partner din ako na maglalagay kami ng coffee shop.

"Right now, sa showbiz, guestings lang muna ako."

Yun nga lang, may usapan na raw silang mag-asawa.

Ayon kay Nadine, "Ang sabi ng asawa ko, once na nalaman namin na pregnant ako, I have to stop everything.

"Kinausap na rin niya ang school, na once na I'm pregnant, stop talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang next batch na ako papasok uli, kapag nanganak na ako."

Dugtong pa niya, "Yun nga ang maganda kay Richard kasi mature na siya.

"Hindi na siya yung parang palaru-laro, di ba?

"Kung ano man ang pinagdadaanan ko, in full support talaga siya at malawak ang pang-unawa niya.

"Darating at darating din na magkakaanak kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN