Charee Pineda to put showbiz on hold; eyes second term as Valenzuela City councilor

Charee Pineda is happy to be paired with Allen Dizon in Wish ko Lang, a surprising turn considering she quit Kamkam, an indie film meant to feature them as tandem.


Handa na namang talikuran pansamantala ni Charee Pineda ang showbiz kapag nag-file na siya ng candidacy ngayong October para sa May 2016 elections.

Si Charee ay kasalukuyang councilor ng Valenzuela City, at hindi niya inililihim ang kanyang aspirasyon na tumakbo para sa pangalawang termino.

Sabi ng Kapuso actress,"Magra-run po ako ng second term, first term ko pa lang ngayon as councilor.

"Yes, iiwanan ko muna ang showbiz, pero hindi pa naman ngayon.

"Bale sa October pa ang filing namin, pero nakapag-usap na rin kami ng Artist Center.

"Ibinigay ko na sa kanila yung dates na hindi na ako puwedeng lumabas sa TV, para 'di magkaroon ng conflicts sa shows na gagawin ko dito.

"Isi-send ko na rin lang sa kanila yung formal letter."

Dagdag pa ni Charee, "Mami-miss ko talaga ang showzbiz, kung kaya hangga't puwede pa ako, tinatanggap namin ang puwede kong gawing proyekto."

Maging ang nakaplano niyang kumuha ng Law ay maisasantabi na rin muna niya.

"Yung Law? Gusto ko pa ring subukan, para wala akong regrets.

"Siguro, kapag medyo maluwag na ang oras ko, yung makakapag-focus ako dun, siguro itutuloy ko pa rin.

"Gusto ko kasi, 'pag sinubukan ko, yung talagang sure na ako.

"Naging busy rin ako kasi, katatapos ko lang asikasuhin yung scholars namin.

"Ngayon, medyo pahinga kami, kasi pumapasok na sila sa school."


HAPPY FOR ALLEN. Samantala, sobrang tuwa raw ni Charee na nagkasama sila ni Allen Dizon sa episode ng Wish Ko Lang dahil naudlot ang team-up nila noon sa indie movie na Kamkam.

Kung matatandaan, nag-backout si Charee sa Kamkam, at napunta kay Jackie Rice ang kanyang papel bilang isa sa mga naging asawa ni Allen.

Sabi ni Charee, "Oo nga. Sabi ko nga, 'Kuya Allen, buti nagkasama ulit tayo.'

"Masaya, nakapag-usap na kami, nakapagkuwentuhan nang mahaba-haba.

"Kasi noon pa, kakilala ko na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong kami pa at buhay pa si Tyron Perez, nagkikita kapag dumadalaw ako sa set ng Twilight Dancers.

"Sobrang happy ako for Kuya Allen, at sobrang deserved niya yung mga nangyayari sa kanya ngayon.

"Sobrang ang sarap ng katulad niyang artista na nakikita o naa-appreciate yung mga ginagawa mo.

"At nakaka-inspire yun para gawin mo pa ang best mo.

"Yun ang nangyayari ngayon sa kanya, at natutuwa ako sa blessings niya ngayon."

Dahil dito, muling nanariwa kay Charee ang panghihinayang na naudlot ang pagkakataong makatrabaho ang multi-awarded director na si Joel Lamangan.

"Ay, oo naman! Lahat naman sigurong artista ay pangarap na makatrabaho si Direk Joel.

"Isa rin yun sa regrets ko, pero ang sa akin, kung hindi talaga para sa akin ang isang project, hindi talaga para sa akin.

"Pero may gagawin kaming indie movie ng same team, and same production, hinihintay na lang namin, kaya okey lang naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN