Chanel Latorre nixes showbiz admirers: "Natatakot ako sa kanila! Parang sariwang karne ang tingin nila sa akin... "

Chanel Latorre is a Nursing graduate and was pursuing Medicine when she realized acting is where her heart is, “Na-feel ko na ang ace ko as a person is my emotions, my intuition. Na-feel ko iyon ‘yong gift ko, e."


Biggest break ni Chanel Latorre ang pagiging female lead ng indie film na Of Sinners & Saints na isa sa mga naging entries sa katatapos na World Premieres Film Festival.

Nanalo rito bilang best actor ang Italyanong may dugong Pinoy na si Ruben Maria Soriquez, na siyang direktor din ng pelikula.

Ginampanan ni Chanel ang character ng isang babaeng naaanakan ng isang Italian seminarian. Nagbalik ito sa Pilipinas na ganap na pari, at may asawa ng isang bayolenteng siga ang karakter ni Chanel.

Nagawa ni Chanel na makipagsabayan sa co-stars niya na sina Polo Ravales, Richard Quan, at Raymond Bagatsing sa mahusay nilang performance.

“Masaya ako na marami ang nakapansin ng acting ko,” sabi ni Chanel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Masarap sa pakiramdam kapag gano’n na may mga nakaka-appreciate ng ginawa mo.

“Parang nanalo ka na rin ng award no’n.” sabay ngiti niya.

Bago ang Of Sinners Or Saints ay marami-rami na ring nagawang indie films si Chanel. Isa rito ay ang Babagwa kung saan pinag-usapan siya dahil sa mga nude scenes niya at mapangahas na love scenes sa bida rito na si Alex Medina.

“Naloka rin ako sa ginawa ko roon!” natatawang sabi ni Chanel.

“Hindi ko rin in-expect na magagawa ko ‘yon, nagulat din ako.

“Kailangan kasi talaga sa eksena, e, bilang artista, iyon ang niri-require ng trabaho ko na dapat ko lang ngang gawin.”

May daring scene din siyang ginawa sa Of Sinners Or Saints.

Ito ay ang tagpong pinilit siyang makipagtalik ng asawa niya na ginagampanan ni Polo.

“Kapag talagang kailangan sa eksena, okey lang naman sa akin, go lang!” tawa na naman ni Chanel.

“Kapag mga ganyan kaselang eksena, ang nagiging deciding factor ko is the script at ganda ng role.

“‘Yong hindi naman masasabi na basta pinaghubad na lang, ginawa ko ulit ‘yong gano’n ka-daring sa Woman Of The Ruins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Yong sa Cinema One, pero ‘yong paghuhubad ko do’n, nakakaawa, hindi siya nakakalibog.

“Kasi isang 17-year-old ang character ko do’n na neneng-nene.

“I was gang raped sa story no’n ng mga matatanda, as in mga lolo talaga ang naging rapists ko.

“Kasi sa story no’ng movie, ‘yong buong island kung saan ako nakatira, malapit na sa extinction.

"Ako na lang ang pinakabata sa island na ‘yon, ‘tapos parang nag-crave sila to have a new generation.”

May isang international film din daw siyang nagawa. Ito ay ang Wanchai Baby na idinirehe ng isang Canadian director.

“Sa Hong Kong po siya kinunan. Ako po ang bida, sayang at hindi nagkaroon ng chance na maipalabas ito dito sa Pilipinas.

“It’s a story naman po about a domestic helper na tumatakas dahil na-ano ‘yong visa niya.

“Namatay ang amo niya so kailangan niyang mag-stay do’n kasi she had no choice but to stay in Hong Kong na wala siyang pera.”

ARTISTIC. Kahit baguhan pa lang si Chanel ay malawak na pala ang experience niya bilang isang artista.

“Ewan ko, parang feeling ko everytime na gumagawa ako ng pelikula, parang baby pa rin ako,” tawa na naman ni Chanel.

“Kasi ‘di ba ang mga bata, receive lang sila nang receive ng information para mag-grow?

“Parang gano’n kasi ako kapag gumagawa ng pelikula.

“Gusto kong makilala bilang isang magaling na aktres na parang tipo nina Cherry Pie Picache, Cherie Gil, at Jaclyn Jose.

“Gusto kong makaabot sa gano’ng level, one day, maging gano’n din ako.

“At saka gusto ko ring makapag-mainstream movie, pangkabuhayan showcase din, 'di ba?

“Hindi naman puwedeng puro art film na lang!” nangiting biro ni Channel.

“Pero hindi man financially rewarding ang paggawa ng indie film, ‘yong artistic soul mo naman kasi, napi-feed.

“Na feeling ko, ito ang breeding ground ng mga geniuses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron ngang kasabihan na kapag walang-wala ka, ‘yong scarcity… scarcity builds geniuses.”

Nursing graduate si Chanel sa University of Santo Tomas, pagkatapos niya ay nag-enroll siya sa Medicine pero hanggang first year lang at huminto na siya.

“Kasi na-feel ko na hindi ako para do’n, e, na-feel ko na nasa arts ako.

“Na-feel ko na ang ace ko as a person is my emotions, my intuition. Na-feel ko iyon ‘yong gift ko, e, ’yong dad ko, sobrang na-frustrate.”

ON HER OWN. Ang kanyang ama ay ang dating congressman ng Western Samar na si Boy Latorre na ngayon ay negosyante na.

Kuwento ni Chanel, “Nagkaroon kasi siya ng bad experience before with his life.

“Nagkaroon ng isang affair, ‘tapos nakalinya lahat ng mga kapartido niya at mga kaibigan niya.

“‘Tapos nag-yosi lang siya sa labas sandali, pagbalik niya, patay na lahat ‘yong nandoon sa table na ‘yon.

“So ‘yon, nagkaroon siya ng bagong pananaw na siguro kailangan muna niyang mag-stop sa pulitika.”

Tatlo silang magkakapatid, panganay siya at unica hija ng pamilya.

“’Yong daddy ko, pinalaki po kami na pagka-graduate mo, 'Bahala ka na, wala kang perang makukuha sa akin.'

“Gano’n din siya lumaki, ‘yong tatay ko came from nothing, he built himself kung ano siya ngayon.

“Kabilang sa mga business niya ay ‘yong kanyang koprahan, may mga isla siya na pinaparentahan.

“Wala akong nakukuha sa kanya ngayon ni isang kusing.

“Sa kanya, kung ‘yong isang bata natuto sa wala, magtatrabaho para magkaroon.”

Ngayon na gumagawa na siya ng pangalan sa acting field, okay lang ba sa kanyang ama?

“Kapag nakikita niya ‘yong mga nagagawa ko, hindi pa siya ano… he thinks I’m still playing around.”

SHOWBIZ ADMIRERS. Zero raw ang kanyang lovelife sa ngayon dahil trabaho muna ang kanyang priority.

Pero hindi itinanggi ni Chanel na may mga aktor siyang nakatrabaho na nagtangkang pumorma sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mga apat, pero hindi ko na sasabihin kung sino kasi wala namang nakalusot, e. Natatakot ako sa kanila!" sabay tawa niya.

“Kasi aktor, e, ‘tapos pare-pareho lang naman sila ng ano… fresh meat ako, e.

“Akala nila fresh meat ako, e, as in parang sariwang karne ang tingin nila sa akin.

“Na feeling ko, gusto lang nila ako malasahan or something kasi hindi naman sila masyadong seryoso.

“May isang medyo seryoso, feeling ko seryoso naman, pero parang hindi ko kayang pumatol sa isang aktor.

“Alam ko ang schedule ng isang aktor, alam ko kung gaano kagrabe ang temptations na dumadating sa isang aktor.

“Hindi ko yata maha-handle ‘yon.”

So ayaw niya na magka-boyfriend na aktor?

“Ayoko namang sabihin iyon nang gano’n lang, na ayoko, malay mo.

“Kasi kapag nagmahal ako, talagang seryoso, e, ayoko no’ng pang-short time lang ako.

“Gusto ko ‘yong you build a future with that person together.

“Na kung hindi man, at least ‘yong naging malaking malaking parte siya sa buhay mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN