Toni Gonzaga and husband Paul Soriano plan to have a baby late 2016 or early 2017

Toni Gonzaga reveals some details about her intimate moments with husband Paul Soriano. She admitted trying nighties but she immediately returned to pajamas: “Ang hirap matulog, e, umaangat. Parang sa umaga, pahubad ka na. Bumalik ako sa pajama, ang lamig, e!”


Wala pa raw planong magkaanak ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano ngayong taon.

Sabi nga ni Toni, “Siguro end of next year pa or next, next year pa. Hindi pa ngayon.”

Family planning muna raw sila kahit bagong kasal pa lang sila.

Pero wala rin naman daw problema sa ABS-CBN kung sakaling magka-baby na sila.

Ayon kay Toni, “Nag-meeting na kami before and after the wedding. Nag-meeting na ako sa management.

“Mabait naman ang ABS, wala naman silang pressure na ibinibigay sa akin, kasi alam naman nilang nasa tamang edad.

“If it happens, it happens, as long as a contract artist, I have to fulfill yung ibang duties ko na napirmahan ko na noon pa. Inu-honor ko naman yun.”

Gusto raw munang i-enjoy nina Toni at Paul ang mga bagay na puwede nilang gawin ngayong magkasama na sila.

Isa na raw rito ang makapag-travel na silang dalawa lang.

“Gusto naming i-enjoy na mag-travel. Ang dami naming pupuntahan talaga.

“Palagi akong inggit na inggit kapag Holy Week, December, ang daming nagbabakasyon na couple.

“Sabi ko, ‘Sana ma-experience natin ‘yan.’

“So, gusto ko munang ma-experience yung mga nasa bucket list namin.”

Ang susunod daw nilang travel destination ay sa Bali, Indonesia. Gusto rin daw nilang pumunta sa Israel.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Toni sa thanksgiving party niya para sa kanyang fans, Huwebes ng gabi, July 2.

TONI’S PRIORITY. Dahil ang Pinoy Big Brother 737 lang ang pinagkakaabalahan ngayon ni Toni, kaya nagagawa at nae-enjoy raw niya ang bagong buhay sa piling ng asawang si Paul.

Nabanggit ng Kapamilya TV host-actress sa kanyang wedding vow na si Paul na ang number one priority niya.

Read: Toni Gonzaga to Paul Soriano: "You are my number one priority right now."

Pero paano magagawa ni Toni ang kanyang tungkulin bilang asawa gayong mayroon pa rin siyang showbiz commitments?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Toni, “Paggising ko sa umaga, mine-make sure ko na kakain siya nang tama, kung ano ang gusto niyang kainin.

“Bago siya umalis, nandiyan ako. Yung uunahin mo ang needs niya.

“Yung okey naman kay Paul, hindi naman siya demanding na asawa. Yung ide-demand niya ang lahat ng oras mo.

“For as long as naramdaman niyang naalagaan mo na siya, okey na siya, hindi siya masyadong alagain.”

Masarap bang may kayakap habang natutulog?

Sagot ni Toni, “Oo naman, iba pala yung may katabi ka.

“Iba pala yung kapatid, iba pala yung asawa.

“Iba… parang feeling mo, meron ka ng talagang katuwang sa buhay.”

INTIMATE MOMENTS. Dahil maituturing pang “honeymooners” sina Toni at Paul, maraming curious malaman ang ilang moments nilang mag-asawa ngayon.

Naging ‘generous’ naman si Toni na magbahagi ng ilan dito.

Sanay raw siyang naka-pajama na matulog. Sinubukan daw niyang mag-nighties, pero hindi raw niya napangatawanan.

“Ang hirap matulog, e, umaangat. Parang sa umaga, pahubad ka na.

“Bumalik ako sa pajama, ang lamig, e!” sabi niya.

BUDGET CONCERNS. Kung mayroon man daw silang naging unang mumunting diskusyon, ito ay tungkol sa budgeting.

Napaka-generous daw kasi ni Paul habang si Toni naman ay nagmana raw sa Mommy Pinty niya.

“Magaling sa pera ang mommy ko. Tinuruan niya ako.

“Siyempre, iba ang ways ni Paul sa pagba-budget,” banggit ni Toni.

Hinihigpitan na ba niya ang mister sa pera?

“Ang higpit ko! Nagugulat siya, doon kami nagkakaano…”

Magastos ba si Paul?

“Hindi siya magastos, pero very generous! Kapag nagbigay, wala nang bukas.”

Ibinili nga raw siya ni Paul ng bagong kotse.

“Ibinigay ko na yung Savannah ko kay Alex [Gonzaga, her sister].

“Gusto kong mag-Hi Ace lang, kasi siyempre alam ko na ang pera ko.

“Magha-Hi Ace ako, magtitipid ako. Ako na lahat ang may hawak ng pera.

“Sabi niya, ‘No…’ bigla akong ibinili ng kotse, yung bagong Savannah.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit naman parang hindi siya masaya sa ibinigay ng kanyang mister?

“Happy ako, kaya lang siyempre sa akin, mag-save tayo!” natawang sabi ni Toni.

Gusto raw niyang manahin ang galing ni Mommy Pinty sa pagba-budget.

“Yun ang gusto kong manahin. Actually, magpapa-brief nga ako sa kanya kung paano niya naipon nang ganun ang aking suweldo.”

NO PRENUP. Walang prenup na naganap sa pagitan nina Toni at Paul bago sila nagpakasal, kahit na okey lang sa direktor na gawin nila ito.

Pero ayaw raw ni Toni dahil naniniwala siyang ang pinag-isa ng Diyos, iisa na lang talaga at magkatuwang sa lahat.

Kanya-kanya ba silang hawak ng suweldo?

“Hindi, yung suweldo ko, akin. Yung suweldo niya, akin!” natawang sabi ni Toni.

Binibigyan na lang niya ng allowance si Direk Paul?

“Oo, para na rin akong si Mommy Pinty.

“He lives by faith. We have a God that provide.

"I don’t worry for the future.

"Ako naman, I always save, save. I always save for the future."

Kapag nagkaanak daw sila, gusto ni Toni na kung paano sila pinalaki ng kanyang mga magulang ay ganun din ang magiging pagpapalaki niya sa kanyang mga anak.

WE ARE FAMILY. Aminado naman si Toni na nahirapan siyang mag-adjust sa umpisa dahil ngayon lang siya nalayo sa kanyang mga magulang at kapatid.

Ang mga magulang niya, hindi ba nahirapan na mag-adjust na wala na siya sa bahay?

“Kapag weekend, pumupunta sila sa bahay,” sabi ni Toni.

Kung tanggap si Paul ng pamilya niya, mas lalo na raw siya sa pamilya ng mga ito. Hindi pa man daw sila kasal ay anak na talaga ang turing sa kanya ng mga ito.

Kaya naman tinanong namin kay Toni ang brother-in-law niyang si Parker Soriano, na nag-trending noong araw ng kasal nila.

Sabi ni Toni, “Oo nga, number one wakeboarder yun sa Pilipinas, champion.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala bang planong mag-artista si Parker?

Ayon kay Toni, “Niyayaya ko na yun, ang tagal-tagal na. PBB Teens pa, ayaw nila, e.

“Pribado silang mga tao, ayaw nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN