Toni Gonzaga says PBB has always been issue-ridden: "Mas marami kaming malalang nakita, yung mga past editions pa.”

Toni Gonzaga on "bedroom scenes" with John Lloyd Cruz in the sitcom Home Sweetie Home: “Mas naiintindihan ko na ang requirements ng role ko sa show ngayon, ah… ganito pala."


“Naiyak ako!” ang natawang lahad ni Toni Gonzaga nang makausap namin noong July 2, sa Packo’s Restaurant sa Quezon City, sa naging thanksgiving niya para sa mga fans at ilang miyembro ng entertainment press.

Ang tinutukoy ni Toni ay ang unang gabi nila ng asawang si Direk Paul Soriano pagkatapos ng kasal na sila na lamang dalawa ang magkasama.

Ayon pa kay Toni, “Naiyak ako sa first night namin, noong natapos na ang buong wedding at umuwi ako na kasama ko siya.

“Kasi parang hindi ako makapaniwala na, ‘Uy grabe, hindi mo na ko ihahatid… Na-realize mo ba yun?

“‘Hindi mo na ko ihahatid. Ako na ang kasama mong pauwi lagi.’

"Na-overwhelm lang.”

PRINCIPLED. Kung sa panahon ngayon na may mga netizens na nakukuha pang i-bash kung ano ang tama, tulad ng pagiging intact ng virginity ng isang babae bago ito ikasal, masasabing kahanga-hanga si Toni sa prinsipyo niya pagdating sa bagay na ito.

Saad niya, “Siguro yun lang ang maipagmamalaki ko sa buong-buhay ko sa asawa ko.

“Na siya lang ang una’t-huling lalaki sa buhay ko.

“Palagi namang sulit ‘yan, it’s always worth the wait, at saka mas magandang gawin ang mga bagay sa tamang paraan.”

Sa Amanpulo sa Palawan pinili nina Toni at Direk Paul na idaos ang kanilang honeymoon.

Bukod sa unang pagkakataon nilang makarating ng Amanpulo, ito rin ang unang pagkakataon na magkasama silang dalawa sa ibang lugar na sila lamang.

Ayon kay Toni, “Ang saya! First time naming mag-travel, as in nanibago talaga ko.

“Walang chaperone, walang kasama, walang kahit na ano.

“As in, puwede naming gawin kahit na ano.”

ALONE AT LAST. Yung unang beses na silang dalawa lang sa ibang lugar, kumusta yun?

“Sobrang naninibago kami, palagi kaming nagkakatinginan.

“Hindi kami makapaniwala, ‘Uy, tayo lang dalawa,’ nagkaroon kami ng time for each other.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinahagi rin ni Toni ang magandang mensahe raw sa kanila ng kanilang Pastor.

“Sabi ng Pastor namin, being married to someone is not just being naked physically.

"But being naked with your soul, with your emotions.

“Talagang you’re sharing your life with this person, and it’s not just about shedding your clothes.

"But about sharing your life with other person, yung fears mo, insecurities.

"Yung meron kang tao na you can trust your whole life with.”



INSPIRATION. Hanggang ngayon, ang daming nagvie-view, nagsi-share ng wedding video nila ni Direk Paul.

At ang dami ring humanga at na-inspire sa walong taong relasyon nila na umabot sa kasalan.

Ano ang masasabi niya sa mga na-inspire at nagandahan sa kasal nila?

“Nakaka-bless kapag nakakarinig kami ng ganyang bagay.

“I think, that’s what marriages and weddings are supposed to show, and to share how good God is.

“Na he’s able to find you a lifetime partner that you can share your life with.”

HUMBLE CHURCH. Marami rin ang natuwa na pinili niyang magpakasal sa Taytay United Methodist Church kunsaan siya nagsisimba mula pagkabata.

Ayon kay Toni, “Kasi, yun ang unang-unang church, doon ikinasal ang mommy at daddy ko, doon sila nagsisimba.

“Nabuntis ang mommy ko, doon sila nagsisimba.

“Doon ako bininyagan, doon ako unang kumanta, doon ako naging Sunday School teacher.

“Parang kabuuan ng buhay ko, doon sa church na yun.

“At saka, hanggang ngayon, kahit na bago ako ikasal, kapag wala akong schedule, doon ako nagsisimba.

“Yun talaga ang church namin, naisip ko na ang ganda siguro na ikasal doon sa bayan at sa church kung saan ka lumaki.

“Napaka-imposible noong una, kasi ang bayan, nasa palengke.

“Kaya ang sinecure namin doon, yung security talaga."

LOOSENING UP. Bukod sa Pinoy Big Brother, regular din na napapanood si Toni sa Home Sweetie Home tuwing Sabado ng gabi bilang si Julie na asawa ni Romeo, na ginagampanan ni John Lloyd Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas niyang sabihin noon na hindi siya kumportable at naiilang kapag kailangan nila ni John Lloyd na maging intimate sa isa’t-isa bilang mag-asawa.

Ngayong misis na siya sa totoong buhay, nawala na ba yung pagkailang sa mga ganoong eksena?

“Mas naiintindihan ko na ang requirements ng role ko sa show ngayon, 'ah, ganito pala.'

“Noon dati, palagi akong ilang, kapag medyo dumikit, parang minsan, sobrang ilang na ilang ako.

“Kapag yayakap, sobrang ilang ako.”

Although aminado naman si Toni na hindi pa rin daw niya kayang magpa-sexy o magkaroon ng torrid at hardcore kissing scene.

Mas magiging limitado ba ang gagawin niya dahil may asawa na siya?

“Hindi naman, siguro kung ano pa rin yung mga paninindigan ko noon, ganun pa rin hanggang ngayon.”

Pagkatapos ng PBB, posibleng ang susunod daw na gagawin ni Toni ay pelikula sa Star Cinema. Pero magmi-meeting at ipi-present pa lang daw sa kanila kung ano ang kuwento.

Ngayong may asawa na siya, kailangan may consent na rin ni Direk Paul ang mga gagawin o tatanggapin niyang proyekto?

“Inaalam niya, pero hinahayaan naman niya ‘kong magdesisyon at saka mommy ko.

“May tiwala naman siya sa akin at sa mommy ko, ang tagal na naming tandem, pagdating sa ganoong aspeto, nirerespeto niya.”

PBB737 ISSUES. Habang isinusulat ang artikulong ito, magkakaroon daw ng announcement sa naturang reality show. Pero dahil isu-shoot pa lang daw ni Toni ang spiels, hindi pa niya alam noon kung ano ito.

Kontrobersiyal na naman nga ang PBB737 dahil sa namumuo umanong “bromance” sa pagitan ng mga housemates, ang 18-year-old na si Kenzo Gutierrez at 12-year-old na si Bailey Thomas.

At nasita ito ng MTRCB (Movie and Television Review & Classification Board) kaya pinadalhan ng sulat ang production.

Anong masasabi niya ro'n?

“Palagi namang, every PBB, palagi naman, iba-iba.”

Kagabi, nag-live ang PBB737 para sa announcement ni Kuya na hindi na mapapanood sa cable ang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong naman namin si Toni kung napapanood niya ang dalawa at kung nararamdaman nga niya ang “bromance” sa pagitan ng mga ito?

“Hindi, kasi naman ang social media at saka mga netizens, they can always magnify pictures, videos, and snippets na napapanood natin, so hindi na natin kontrolado yun.

“Sanay naman na ang PBB sa mga issues, mga binabato nila sa PBB, so hindi naman na bago.

“At saka, mas marami kaming malalang nakita, yung mga past editions pa.”


Kagabi, inanunsiyo na wala nang 24/7 livestreaming ang PBB737 na mapapanood sa cable TV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN