Sophie Albert on talks she is leaving TV5: “Ngayon, siyempre masaya ako dahil may trabaho ako.”

Sophie Albert says posing for FHM is currently the farthest thing from her mind. “Hindi ko kasi talaga nakikita ang sarili ko na nagpapa-sexy, naiilang ako kapag naiisip ko na kailangan kong magpa-sexy. Parang nasusuka ako na, well, hindi, hindi naman."



Tatlong taon matapos manalo ni Sophie Albert sa Artista Academy ng TV5, lumabas ang balitang gusto na niyang magpa-release sa network.

Nagsalita si Sophie tungkol sa balita nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa ginanap na presscon ng bago niyang sitcom, ang No Harm No Foul, na magsisimula eere ngayong Linggo, July 5, sa oras na 8 p.m.

Ang real and reel love niya na si Vin Abrenica raw ang naging “vocal” sa pagsasabi noon sa mga nakaraang interview niya na tila may tampo ito sa network.

Kaya naman tinanong namin si Sophie kung magpapa-release na rin ba ang aktor sa Kapatid network.

Aniya, “Well, nasabi nga niya na nagtatampo siya, pero hindi naman sa amin ang desisyon kung mag-i-stay kami or maggo-go, nasa TV 5 yung desisyon na yun.

“It’s up to them, siguro kailangang pag-usapan or a meeting or something para pag-usapan.”

Isang diretsong tanong naman ang ibinato namin kay Sophie kung masaya ba siya bilang isang Kapatid.

Nakangiting sagot niya, “Ngayon, siyempre, masaya ako dahil may trabaho ako.”

Kung sakaling magdesisyon si Vin na lumipat ng network, posible rin kaya na sumama o sumabay siya sa boyfriend?

“Ano, wala namang sama-samahan, siya ang bahala kung ano ang gusto niyang gawin.

“Ako ang bahala kung ano ang gusto kong gawin, magkaiba rin naman kami ng path, lalaki siya, babae ako.

“Wholesome ako, siya hindi… Hindi, joke lang,” natawa niyang sabi.

Naging daan din naman daw ang mga pinagdaanan o pinagdadaanan nila sa kanilang career para maging mas malapit sila sa isa’t-isa.

Ayon kay Sophie, “Actually, mas nagiging matibay kami.

“Kasi kaming dalawa ang nakakaintindi sa isa’t-isa, kaming dalawa ang nakakaintindi sa lahat ng nangyayari.

“Ang pamilya namin, hindi naman nila naiintindihan kung gaano nakakapagod ang ginagawa namin.”



WORK ISSUES. Kung si Vin ay sinasabing nauungusan na raw ni Mark Neumann, sa parte niya, ganoon din ba ang tingin niya kay Shaira Mae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naku, hindi naman kasi Shaira and I are very different also.

“She’s younger, she’s a lot younger than me, iba rin ang personalities namin.

“You know, she’s very good in Baker King, hindi ko nakikita na, alam mo yun, I don’t see her as a competition.”

Nao-offend ba siya kapag pakiramdam niya na hindi sila ang parang nabibigyan ng prayoridad ng network ngayon kahit pa sila ang mga winners ng Artista Academy?

“Hindi naman offended, but it just make me believe that there’s something better for me.”

BEING TRUE. Sa isang banda, kahit napakarami ng wholesome young actresses na nagpa-sexy at nag-cover girl sa FHM, si Sophie raw ay talagang hindi pa niya kayang gawin ang ganoong bagay.

“Hindi ko kasi talaga nakikita ang sarili ko na nagpapa-sexy, naiilang ako kapag naiisip ko na kailangan kong magpa-sexy.

“Parang nasusuka ako na, well, hindi, hindi naman,” nakangiti niyang sabi na tila hindi mailarawan kung ano talaga ang nararamdaman niya kung sakali at magpapaka-daring na nga siya sa pictorial.

Paano kung sabihan siya na yun ang isa sa kulang sa kanya?

“I think, there’s always a place for someone.

“Hindi naman dahil yung iba nagpa-sexy, kailangang magpa-sexy rin ako.

“E, ‘di naging katulad ko na sila.

“Ako, I’m just speaking for what I am, I’m being true to myself na baka bigla magkaroon ng something na para sa akin.”

Sa No Harm No Foul na bagong sitcom ng TV5 na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid at ilang mga basketball players tulad nina Gary David, Beau Belga, Willie Miller, at Kiefer Ravena, siya raw si Kim dito na magiging love interest ni Kiefer.

Kumusta naman si Kiefer?

“Okey siya, mabait siya, cute,” nakangiting sabi niya.

Kumportable na siyang magpatawa?

“Parang hindi pa ko sanay, kasi ang hilig ko talaga drama, gusto ko talaga yung ma-drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasanay ko lang ang sarili ko na kailangan may timing, kailangan medyo exag, so yun.”

Isa pang diretsong tanong, sa tatlong taon niya halos sa TV5, masasabi ba niya sa sarili na sikat na rin siya o sumikat na rin.

“Hindi, hindi,” ang nakangiting sagot naman niya.

“Wala, masama ba yun?” saka parang natatawang nag-alangan sa sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN