Valeen Montenegro describes experience while preparing and shooting for FHM cover

If there’s anyone more excited than Valeen Montenegro about her FHM cover, it’s her boyfriend of six years who helped get her in the right shape for the pictorial. He happens to be her gym trainor as well, “Aarte pa ba ko?”


Kahit na nakalabas na at mabibili na ang July issue ng FHM magazine kunsaan si Valeen Montenegro ang nasa cover, hindi pa rin daw siya makapaniwala.

Lahad ni Valeen nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, July 4, sa presscon ng bago niyang sitcom, ang No Harm No Foul sa TV 5.

“The shoot was very fun, sobrang bilis, nagulat ako kasi, pinaghandaan ko siya.

“Parang shoot, shoot, shoot, masaya lang, ‘tapos biglang tapos na.”

Sa Subic daw sila nag-pictorial.

Kuwento pa ni Valeen, “After ng shoot, noong kumakain na kami ng lunch, napatigil talaga ko.

“Sabi ko, ‘Oh, my God, magku-cover ako sa FHM,' ‘tapos katabi ko yung photographer, si Xander [Angeles].

“Sabi niya, ‘Ano ka ba, dapat mag-sink in na sa ‘yo ‘yan.’”

Sabi pa niya tungkol sa paglabas niya si FHM, “It’s not something that I’m avoiding and it’s not something that I really want.

“But parang everything just fell into place this time, kasi matagal na nilang sinasabi sa akin.

“I didn’t feel that I was ready, I didn’t have the right people behind me.

“So now na meron na akong manager, si Ms. Olive de Jesus, nandito siya behind me.

“Mas naging kampante ako na tama ang magiging desisyon ko as long as napag-usapan namin.”



PREPARATION. Matagal din niyang pinag-isipan ang pagpayag na maging cover ng FHM?

“Kasi matagal na silang nanliligaw sa akin,” saad niya.

“Kaya lang, yun nga, I didn’t have the right people to protect me.

“I mean, I just realized how big it is when it came out.”

Isang Linggo lang daw ang naging preparasyon niya bago gawin ang cover shoot.

Pero kumpara sa ibang talagang nagda-diet, hindi kumakain, siya raw, kumakain talaga siya.

“I don’t go on a starvation diet, I go to the gym, I run every day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasa Instagram ko ‘yan, day 1, day 2, hanggang sa day ng shoot, tumatakbo pa rin ako.

“‘Tapos tamang kain lang, proper food, no junk foods.”

Mabilis ang sagot ni Valeen nang tanungin namin siya kung sino ang peg niya.

Sagot ng Kapatid star, “Victoria's Secret! Ganoon kataas ang peg ko.”

SEXIEST. July ang buwan kunsaan nagkakaroon ng FHM Victory Party para 100 Sexiest Women ng magazine.

“Definitely, I feel special na ako ang July cover and they explained it naman na there will be two covers for the month.”

Isa rin daw siya sa siguradong rarampa sa Victory Party.

Pasabog din ba ang gagawin niyang gimmick o pagpapaseksi?

“Hindi, dahil first time ko lang, enjoyin ko lang ‘to, makita ko lang yung iba, like Jennylyn Mercado, super sexy.

"I hope Angel Locsin will be there, lahat, gusto ko lang silang makita.”

Ang isa pang maituturing na hot momma ng FHM na si Aubrey Miles daw ang pinaka-seksing Pinay para sa kanya.

Aniya, “Kasi, pareho kami ng linya na mahilig mag-work out.

“I think, mas gugustuhin naming mag-work out kesa hindi kumain ni Aubrey Miles.

“Grabe siya, grabe siya, nakaka-inspire siya.

“Knowing na mom na siya of two, ‘tapos ganun pa rin siya ka-sexy.”


Pagkatapos niyang mag-pose sa FHM, ano ang nakikita niyang kasunod nito pagdating sa career niya?

“I just go with the flow, whatever comes, I’ll think about it.

“We’ll see if it works well kung saan ko gustong pumunta.

“Enjoyin ko lang muna kasi I have one month, whole July, mabilis yung transfer, e,” sabi niya.

May non-showbiz boyfriend si Valeen na anim na taon na sila. Ipinagmamalaki raw nitong si Valeen ang FHM cover dahil ito rin daw ang gym trainor niya.

“Sobrang proud nga, nakakatawa.”

Kaya siya masipag mag-gym kasi boyfriend niya ang trainor niya?

“Aarte pa ba ko?” natatawang pag-amin niya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TV5 SHOW. Sa No Harm No Foul, posible raw na si Gary David ang maging kapareha niya. Pareho raw kasi silang sumasayaw.

Si Gary, bukod sa pagiging basketball player, ay nanalo sa Celebrity Dance Battle ng TV5.

Sanay na siyang magpatawa dahil sa Tropa Mo Ko, “Hindi naman sa sanay, pero maganda ang script.

“Pinag-isipan 'tapos kinunek-konek kaming lahat na isa kaming buong barangay.

“Kapag meron kaming all-star na eksena, doon kami napapatagal, kasi kuwentuhan.

“Hindi nagka-cut si direk Randy Ramos kasi nakukuha niya doon yung character na nakakatawa.”

Hindi raw siya exclusive star ng network, pero masaya naman daw siya bilang isang Kapatid.

Wala siyang mga tampo-tampo tulad ng iba?

“Sino ba naman ako para magtampo? Wala pa naman,” lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN