Albay Governor Joey Salceda “bans” PBB737 for Barbie’s eviction

Albay Governor Joey Salceda disappointed over Barbie Imperial’s eviction from PBB 737. “Barbie deserves to be treated better,” he said.


Hindi napigilan ni Albay Governor Joey Salceda ang mag-react kasunod ng pagkaka-evict kay Barbie Imperial, sa Pinoy Big Brother (PBB) 737, Biyernes ng gabi, July 3.

Si Barbie, 16, at tinaguriang "Doll Along Dariles ng Albay," ang kauna-unahang housemate na natanggal sa PBB house sa pinakabagong edition nito.

Ani Governor Salceda sa kanyang Facebook post kagabi, “Yung lahat ng TV sa bahay pina-off ko muna. I just don't relish rituals of faked sympathies. So much plastic in that program. Barbie deserves to be treated better.

“Their loss, our gain. Banned muna ang PBB till the other Albayano is to be defended.”

Ang tinutukoy ng gobernardor na “other Albayano” sa PBB ay si Thomas Franco Rodriguez, 16, o mas kilala sa tawag na Franco.

Natalo si Barbie ng kapwa niya nominadong housemate na si Bailey May, 12.

Nakakuha si Barbie ng 37.84 percent, samantalang 62.16 percent naman ang nakuha ni Bailey.

Samantala, lumikha rin ng ingay sa loob ng Bahay ni Kuya ang pagtitinginan sa pagitan nina Bailey at Barbie. Nagpalitan ng “I love you” ang dalawa bago tuluyang lumabas ng Bahay ni Kuya si Barbie kagabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN