Sam Milby to work with Piolo Pascual in TV series for the first time; disproves rumors he’s leaving ABS-CBN

“Yes, for good na ako dito, hanggang matapos ito [Written in our Stars],” says Sam Milby denying rumors that he’s leaving ABS-CBN.


Nananatiling Kapamilya si Sam Milby.

Sa katunayan, bahagi siya ng upcoming TV series na Written in our Stars.

Kahapon, July 3, kasabay ng announcement ng Dreamscape ng bago nitong TV project, ipinakilala rin ang magiging lead actors nito na sina Sam, Toni Gonzaga, Piolo Pascual, at Jolina Magdangal.

Kaugnay nito, pinabulaanan ni Sam ang bali-balitang lilisanin na niya ang kanyang home network.

“Actually, there's been other talks na parang lilipat ako.

“But I've been wanting to talk about it [Written in Our Stars]. So, now, puwede ko nang i-announce na kasama na ako dito and for here to stay ako.”

Pagdating naman sa plano niya na pasukin ang Hollywood, hindi naman daw ito nagbabago.

“Kapag may time, gusto ko pabalik-balik.

“'Pag may time, gusto ko pabalik-balik para I have the chance para mag-aral din doon,” ani Sam.

Pagkatapos ay inulit niya, “Yes, for good na ako dito, hanggang matapos ito.”



COMPETITION WITH PIOLO. Samantala, natutuwa naman daw si Sam dahil sa unang pagkakataon ay makakatrabaho na niya sa isang teleserye si Piolo, na itinuturing niyang kuya sa showbiz.

Madalas kasi ay sa ASAP at mga concert lamang sila nagkakasama. Nagkaroon pa nga sila noon ng concert tour na tinawag na Heartthrobs.

Ngayong magkasama sila sa pag-arte, hindi ba nababahala si Sam na baka maikumpara siya kay Piolo?

Sagot ni Sam, “I think ganun naman talaga ang business, you're always gonna be compared.”

Pagkatapos sinabi niya, “You know, I always look up to my kuya, si Piolo.

“You know, he's mas veteran as an actor, he's been around for a long time, he has won so many awards.

“Ako, I'm going to learn a lot from him by working with him for the first time.

“Blessing talaga para sa akin to finally work with him.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN