Aiko Melendez feels empathy for former co-actor Jiro Manio but says, “Everything has to start sa sarili, e.”

Aiko Melendez on former co-actor Jiro Manio: "Kahit anong tulong ang gusto naming ibigay o gawin, kung ayaw niyang tulungan ang sarili niya, parang...’di ba? He’s really such a good actor, kaya nakakapaghinayang din talaga."


"Still loveless, boring."

Ito ang bungad ni Aiko Melendez nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang lovelife sa ribbon-cutting event ng Shawarmama na pag-aari ng mag-asawang Nadine Samonte at Richard Chua kasama ang ilan sa kanilang Lebanese partners.

Bisita si Aiko ng isa sa mga kasosyo nina Nadine at Richard sa Shawarmama na matatagpuan sa AGS Plaza, Washington St., Buendia, Makati City.

Patuloy ng award-winning actress, "For seven years, ano...

"I'm focusing kasi on my career at sa marami pang bagay.

"So medyo hindi ko muna naaasikaso ang personal life ko, pero it doesn't mean na hindi ako happy.

"Happy naman ako and enjoying my life."

STEADY FRIENDSHIP WITH JOMARI. Buong akala ng lahat ay magkakabalikan sila ng kanyang dating asawa na si Jomari Yllana kung pagbabasehan ang closeness nilang dalawa, na makikita sa Instagram posts ni Aiko.

Kung matatandaan, ikinasal sila noong 1998, subalit na-annul ang kanilang kasal noong 2004.

Paliwanag ni Aiko, "Naniniwala ako na, 'di ba, ganun yun, kapag maraming nagpu-push, lalong nauudlot.

"Only time will tell whether Jomari and I are really meant for each other.

"Para naman sa anak ko, okey na okey kami as friends.

"Ganun naman sa showbiz, 'di ba? When you are together, they're trying to separate you.

"But when you're separated, they're trying to get you back together.

"Para mapaiba kami, hayaan na lang natin yung panahon, 'di ba?"

Sina Jomari at Aiko ay merong isang anak, si Andrei Yllana, 16.

SON ANDREI TO ENTER SHOWBIZ? Tungkol naman sa kanilang anak, kinumpirma niya na wala pa talaga ito sa showbiz, pero mukhang patungo na roon ang career path nito,

Aniya,"Wala pa talaga siya sa showbiz pero nagwu-workshop na siya.

"Kailangan niya munang mag-workshop, kasi may pressure sa kanya na ang kanyang ama at ina ay mga artista.

"It would make him also comfortable with whatever he wants to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bago siguro magtapos ang taon, may gagawin ang anak ko na isang project.

"I think it's more of endorsements muna.

"If ever he decides, full support kami, pero studies pa rin ang priorities."

A MOTHER'S PRAYER. Nagbibinata na ang kanilang anak, kung kaya may wish si Aiko para kay Jomari.

Saad ng aktres, "Yeah, lalo na sa age niya ngayon, mas kailangan niya ang father figure.

"Kaya sana, dalas-dalasan ni Jom ang pagdalaw sa kanya.

"Kasi, kahit I'm there always for Andrei, but of course, there are some needs of Andrei na only Jom can give.

"Sinasabi ko 'yan sa kanya, na dalawin niya nang madalas ang kanyang anak, kasi kung ako nga, busy rin katulad niya, I make sure na I find time for him lalo na 'pag Sundays.

"Yun ang prayer ko na sana madalas pa ang pagkikita nila.'

Katulad ni Jomari, lumalaki ring guwaping si Andrei.

"Naku, kailangan ko nang pang-piyansa," muli niyang biro sa anak niyang nagbibinatang guwapo at habulin na ng mga babae.

Lalo na nga raw ngayon na maraming kabataan ang napapariwa dahil kulang sa support system ng pamilya.

Masuwerte nga raw siya sa mga anak niya dahil lumalaki ang mga ito na buo ang pagkatao, at malaki ang kapit sa kanya bilang ilaw at haligi ng kanilang tahanan.

ON JIRO MANIO. Kaya bigla naming napag-usapan ang tungkol kay Jiro Manio na naging kontrobersiyal nitong nakaraang araw lamang.

Read: Jiro Manio needs medical help and strong support system, says psychiatrist

Nakasama niya si Jiro sa isang proyekto bukod pa sa dating alaga ito ng isa sa mga tatay-tatayan niya sa showbiz na si Direk Maryo J. de los Reyes.

Ani Aiko, "I feel sad, I have to do something.

"Sana lahat kaming mga artista ay tumulong, close man sa kanya o hindi.

"Tulungan natin siya na maging okey, pero everything has to start sa sarili, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit ano'ng tulong ang gusto naming ibigay o gawin, kung ayaw niyang tulungan ang sarili niya, parang...'di ba?

"He's really such a good actor kaya nakakapanghinayang din talaga."

Ramdam daw niya ang pinagdadaanan ng award-winning child actor dahil katulad niya ay galing din siya sa isang broken family.

"Ang kaibahan nga lang, I made it a reason to make myself better," sabi pa niya.

"I made it as my inspiration para mas mapaganda ko ang buhay ko.

"Para mapatunayan ko na hindi naman lahat ng problema, whether you're coming from a broken family or broken-hearted, ay sisirain mo na ang buhay mo.

"I mean, it's a blessing for you na buhay ka, e.

"It's a sign from God na you can really make your life better."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN