Martin del Rosario feels controversies helped boost his popularity

Martin del Rosario feels thankful that the Kapuso network’s support never waned despite the scandals being hurled at him: “Hindi nakakatuwa na lumabas yung mga tsismis. Pero nung lumabas ’yang mga tsismis, binigyan pa rin nila ako ng shows. So, nakakatuwa naman.”


Ramdam daw ni Martin del Rosario ang pagbabago sa kanyang career, hindi lang dahil nasungkit niya ang Best Supporting Actor award mula sa Gawad Urian para sa indie film na Dagitab, kundi dahil sa pag-aalaga sa kanya ng GMA Network.

Pahayag ni Martin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “At least ngayon, may mga plano na sana matuloy.

"Etong Buena Familia, sinabi nila sa akin na bibigyan daw ako ng show at isa ako sa mga lead cast.

“Medyo matagal ang hinintay ko, at least medyo worth it naman yung paghihintay.

“May mga offers naman, pero ang gusto lang ng management, mabigyan ako ng mga magagandang projects.

“I’d rather wait at mabagal lang yung takbo ng career ko pero pataas naman.”

Naramdaman ba niya na importanteng artista na siya ngayon dahil binigyan siya ng sarili niyang pocket presscon ng GMA dahil sa pagkakapanalo niya bilang Best Supporting Actor sa Gawad Urian, at may plano na sa career niya ang kanyang home network?

Tugon ni Martin, “Siyempre, lahat naman ng artista gusto may plano ang network para sa kanila. Sana lang magtuluy-tuloy.”

Wala bang ganun plano ang ABS-CBN sa kanya dati?

Mabilis na sagot ng dating Kapamilya star, “Meron naman po, kaso lang ang gusto ko lang, more advancement.

“Doon naman na-experience ko... ang tagal ko rin sa ABS. Inalagaan din po nila ako, mga five years.

“Pero siguro may kulang pa sa akin.”

May ginawa ba siyang adjustments sa kakayahan niya para pagtiwalaan siyang sugalan ngayon ng Kapuso network?

“Siguro sa lahat ng mga ibinibigay sa akin, mga guestings lang, kahit mga small roles lang, ginagalingan ko para kapag nakita nila, puwede nila akong i-consider sa lahat ng mga projects nila.”

Pagdating naman sa sistema ng pag-aalaga bilang talent, ano ang nararanasan niya ngayon sa Kapuso network?

Sabi ni Martin, “Hindi ko kasi ma-point out yung mga ano, e... pero parang mas masaya ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malalaman mo lang sa pakiramdam mo, 'di ba? Feeling ko, mas masaya ako ngayon. Yun na lang.”


STANDING TALL AMIDST INTRIGUES. Nasalang sa mga kung anu-anong kontrobersiya at isyu si Martin.

Binansagan na siyang bading dahil sa ilang viral photos na lumabas na kasama niya ang isang kapwa lalaki. May nude viral photo pa na lumabas kamakailan kunsaan siya na naman ang itinuturo ng netizens.

Pero tila hindi issue sa GMA ang mga ganitong sitsit sa kanya, at sa halip ay may plano pang bigyan siya ng projects.

Nakangiting sabi ni Martin tungkol dito, “Hindi nakakatuwa na lumabas yung mga tsismis.

"Pero nung lumabas 'yang mga tsismis, binigyan pa rin nila ako ng shows.

"So, nakakatuwa naman."

Dumalang ba ang projects niya noon sa Kapamilya network nang madawit ang pangalan niya sa gay rumors?

Paglilinaw ng aktor, “Parang hindi naman po. Simula pa lang po ng pagpasok ko, nandun na yung tsismis.

“Marami rin naman po akong ginawang pelikula at teleserye sa ABS.

“So, alam kong hindi naman sila… nandiyan lang, kumakalat ang tsismis, pero binibigyan pa naman nila ako ng projects.

“Actually, happy ako sa lahat ng ginawa sa akin ng ABS.

"Siguro alam ko lang sa sarili ko na gusto naman ng iba."

Hindi ba siya nawalan ng confidence noong sunud-sunurin siya ng mga intriga?

Mabilis niyang tanggi, “Ay, hindi naman po!

"Ako yung type na kapag may tsismis, pinalalagpas lang. As long as hindi naman po totoo.

“Kasi lalabas naman po ang totoo.

"Kaysa mag-react ako at pahabain pa ang story, hayaan mo na lang yun.

"Unti-unti namang mawawala 'yan.

“Yung kissing photo, nawala rin agad. Saka yung picture naman, sandali lang naman.”


NOT AFFECTED BY BASHERS. Aktibo raw sa social media si Martin pero kahit may mga bashers sa kanya, mas napapangiti siya kaysa naba-bad trip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Actually, entertainment ko nga yung sa Instagram kapag may nag-aaway-away na.

“Minsan, basa-basahin mo lang.”

Anong point na masasaktan at magri-react siya sa social media laban sa bashers?

Ayon kay Martin, “'Pag nasasaktan na yung mga kamag-anak ko, yung mga family ko. Siguro, doon lang.

“Yung mga family ko, dedma lang. Tinanong nila ako, sinabi kong hindi ako, so okey lang, wala na.”

Dahil sa mga nakaraang mga intriga, naging maingat na ba si Martin sa pagpapakuha ng photos na may kasamang barkadang lalaki?

Aniya, “Parang ganun pa rin naman, kasi alam kong wala naman akong ginagawang masama.

"Gagawin ko lang... malungkot ang buhay ko.”


BAD PUBLICITY IS STILL PUBLICITY? Sa panahon ngayon, naniniwala ba si Martin na 'bad publicity is still publicity'? O dapat na rin bang magsalita ang mga artista kapag may mga ganung isyung ibinabato sa kanila?

Tugon niya, “Ako, naniniwala ako na bad publicity is still publicity. Mabuti na ring yung napag-uusapan.

"Sa mga artista, kapag hindi ka napag-uusapan, parang nakaka-worry naman.

“Although, hindi ko naman ginusto yung mga controversy sa akin. Kusa na lang dumarating.

"Naiisip ko na nakakabuti naman sa career na mapag-usapan.

“Yun nga, e, dumami pa yung mga followers ko nung sumulpot yung mga controversies sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN