Jiro Manio’s father tells the former child star: “Anak, sana tulungan mo naman ang sarili mo.”

Mensahe ni Andrew Manio, tumatayong ama ni Jiro Manio, minahal niya na parang tunay na anak si Jiro at hindi siya naging pabaya rito.


May mensahe si Andrew Manio, ama-amahan ng aktor na si Jiro Manio sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa umano'y pagiging pabayang magulang niya kay Jiro.

Nitong nakaraang linggo, naging malaking usap-usapan sa showbiz ang kalagayan ni Jiro nang makita itong palaboy-laboy sa NAIA Terminal 3 at tila wala raw sa kanyang katinuan.

Read: (UPDATED) Former child actor Jiro Manio found wandering at NAIA Terminal 3

Lumabas din sa balita na bago natagpuan si Jiro sa airport, nagkaroon umano sila ng alitan ng kanyang tumatayong ama.

Nang sunduin si Jiro ni Andrew sa airport, tumanggi ang aktor na sumama.

Sinabi sa ulat na tumutuloy ngayon si Jiro sa kanyang dating guro na nasa Mandaluyong City.

“Bilang ama ni Jiro, masakit para sa akin ang nangyayari kay Jiro ngayon,” sabi ni Andrew sa panayam sa kanya na umere sa StarTalk ngayong Sabado, July 4.

“Ang alam ko, wala akong pagkukulang kay Jiro. Lahat ng suporta ibinigay ko kay Jiro.

“Yun nga lang, ang nangyayaring diperensya kay Jiro, dun sa Mommy Lola niya.”

Pakiusap ni Andrew sa bashers niya, “Sa bumabatikos sa akin na wala akong kwentang magulang, hindi ko po pinabayaan si Jiro.

“Marami pong makakapagpatunay niyan sa pagpapalaki ko kay Jiro.

“Minahal ko po nang todo-todo si Jiro kahit hindi ko tunay na anak. 'Yan po ang masasabi ko sa inyo.

“Hindi niyo po alam ang history ng buhay namin,” maluha-luhang depensa ni Andrew.

Mayroon ding pakiusap si Andrew sa kanyang anak-anakan.

“Anak, sana tulungan mo naman ang sarili mo.

“Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo.

“Kung gusto mo muling gumaling, sana tulungan mo ang sarili, dahil gustung-gusto rin namin na mapabuti ka.”

AI-AI ON JIRO: "NAGUGULUHAN SIYA..." Samantala, sa interview naman ng StarTalk kay Ai-Ai delas Alas, sinabi ng Comedy Queen na gustong maging pribado ni Jiro.

Nagkasama sina Ai-Ai at Jiro sa ilang pelikula at gumanap bilang mag-ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bata pa lang si Jiro, alam ko naman yung buhay ng bata,” ani Ai-Ai.

“Ngayong nangangailangan siya ng tingin ko kalinga, gusto kong bigyan ng tulong.

“Siyempre lahat naman tayo, gusto nating tumulong sa kapwa natin, lalo na si Jiro, kasi anak-anakan ko rin yon.”

Kuwento ng aktres, “ Hindi ko puwedeng sabihin yung pinag-usapan namin kasi tina-trust niya ko na ayaw na niyang mag-artista.

“Naguguluhan siya, so respetuhin na lang natin yung gusto niya na tahimik na lang tayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN