Glaiza de Castro makes light of her zero lovelife: “Kailangan na ba?”

Glaiza de Castro on her zero lovelife: “Pero kasi dumarating naman talaga siya sa tamang panahon. Kapag pinilit ko, baka maging hilaw.”


Kahit tapos na sila sa trabaho sa taping para sa primetime series na The Rich Man’s Daughter, nagsasama-sama pa rin daw ang ilan sa cast members nito para magkaroon ng mga photo shoot o video na personal lang nilang ginagawa at masaya nilang ibinabahagi sa mga social media accounts nila.

Isa raw sa mga inaabangan ng netizens ay ang mga larawan o video nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos.

Nang makausap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa taping ng The Rich Man’s Daughter, naitanong namin sa kanya kung bakit nila ginagawa yun.

Sagot ng Kapuso actress, “Para lang mag-loosen up yung bigat ng taping na nae-experience namin.

“Sabi niyo nga, masyado kaming seryoso. So, gusto naming kahit paano, magkasama-sama kami outside work.

“Na hindi namin iniisip na kailangang maging ganito or gawin yung isang bagay para sa eksena.

“Para lang din magkakilala kami nang lubusan outside work.

"Iba kasi yung environment kapag nasa work ka at nasa ibang place ka."

Sa isang photo shoot nila ni Rhian, may mga komento ang netizens at mga taong biglang naging tagahanga ng loveteam nila na "RastroRebels" na nabitin daw sila sa tila paghahalikan na sana nila.

Tila gusto ng mga itong makitang naghahalikan na nga sila.

Kung sakali at sa pagtatapos ng The Rich Man’s Daughter ay i-request sila ni Rhian na maghalikan, gagawin niya?

Sagot ni Glaiza, “I don’t think kasi na maipapalabas.

"Pero kung kailangan talaga, bakit hindi?

"It would be on a very professional level."


ENJOYING THE FRUITS OF HER LABORS. Higit pa raw sa inaasahan ni Glaiza ang mga nangyayari at nakukuha niya ngayon mula nang gawin niya ang The Rich Man’s Daughter.

“Sobra, sobra-sobra po talaga.

“Ngayon ko lang na-experience yung ganitong klase ng reception.

"Iba yung reception ng TRMD, talagang hindi sila matitinag.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masayang-masaya rin si Glaiza dahil tila kasabay sa paghangang nakukuha niya ngayon sa mga manonood ay ang pagsuporta rin sa self-produced album niyang Synthesis.


Ikinagulat nga raw niya kung gaano ito kalakas at nagna-number one pa sa iTunes.

“Actually, yun nga, na-realize ko talaga na kung gusto mo ang isang bagay na maging maganda, kailangan mo siyang paghirapan at hindi siya minamadali.

“Kasi lahat ng mga minamadali, hilaw yung epekto, yung kalalabasan niya.

“Tuwang-tuwa po ako na kahit sobra-sobra ang hirap, actually until now may mga struggle pa rin, may mga challenges pa rin na dumarating.

“Pero alam ko na parte yun ng proseso para sa isang bagay na nilaan sa akin.

“Na kapag dumating, talagang, 'Lord, thank you.'

“Every time na dumarating ang mga bagay na ‘to na pinaghihirapan ko, 'tapos yung resulta niya dumarating higit pa sa expectation ko, naiiyak talaga ako.

"'Lord, grabe ka! Ibang klase ka.'

“Doon ko na-realize na kapag nag-promise ka, ibibigay Niyang talaga. Hindi Siya maramot at hindi Niya ipinagkakait yun.”


NOT COMFORTABLE BARING SKIN. Kahit na gumaganap ngayon bilang isang lesbian si Glaiza, hindi pa rin daw siya kumportable kung pagpapakita ng katawan na ang pag-uusapan.

Sabi niya, “Ang ibig sabihin ba ng daring ay skin?

"Siguro ako, I’ll be more daring when it comes to my passion sa music talaga.

“Doon ko huhubarin ang sarili ko. Wala akong itatago in terms of telling who I really am.

"And in terms of showing more skin, hanggang dito lang po talaga ang kaya ko,” nakangiti niyang sabi.

Matagal na ngang kinukumbinsi si Glaiza na mag-pose na rin bilang cover girl sa mga men’s magazine.

Ito ay sa kabila ng marami nang Kapuso stars mula sa pagiging wholesome ay napapayag na magpa-seksi at mag-cover girl sa men’s magazine.

Napapapayag na ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa rin ako, e,” nakangiti niyang sabi.

“Naniniwala pa rin ako na yung fate ko, may ibang paraan pa rin. At saka hindi talaga ako kumportable.”


LOVELIFE. “Kailangan na ba?” natatawang balik-tanong ni Glaiza nang kumustahin naming muli kung talaga bang wala pa rin siyang lovelife.

Sabi pa niya, “Hindi naman… pero kasi dumarating naman talaga siya sa tamang panahon.

“Kapag pinilit ko, baka maging hilaw.

"May mga dumarating, pero kahit pa sabihin nating mukhang ito na ang ideal guy, approved sa parents, kumbaga parang kung tutuusin, wala na 'kong problema.

“Pero palagi kong pinagpi-pray ‘yan na, 'Lord, alam kong meron Ka nang nakalaan at kapag dumating yun, sasalpak na lang talaga ako.'

“And in terms of security or sa business ko, siguro kailangan ko lang ayusin.

“Sa career, okey naman. Sa album, ang dami ko kasing ginagawa.

"Kung ang magiging dyowa ko ay hindi ganung ka-understanding, baka mag-away lang kami nang mag-away.”

Sabi pa niya, “At saka, baka isa pa yun sa magiging problema ko. Ayokong maging problema ang lovelife.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN