Angeline Quinto dismisses Erik Santos’s feelings of jealousy over Coco Martin

Angeline Quinto assures Erik Santos that he has no reason to feel jealous about her loveteam with Coco Martin for their upcoming TV series: “Ako naman, lagi kong sinasabi sa kanya na si Coco Martin ang unang-unang lalaki na natambal sa akin. Hintayin ko na lang kung ano ang mangyayari, basta ako, gagawin ko na lang kung ano ang trabaho ko.”


Tiniyak ni Angelina Quinto na walang dapat ikaselos o ipag-alala ang rumored boyfriend niyang si Erik Santos sa muling pakikipagtrabaho nila ni Coco Martin.

Na-link noon sina Angeline at Coco nang magkatambal sila sa pelikulang Born To Love You (2012), kunsaan nabalita ang closeness at sweetness ng dalawa.

Ngayong taon ay magsasama silang muli sa Ang Probinsyano, TV remake ng pelikulang pinagbidahan noon ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

Dahil dito, inamin ni Erik sa interview niya noon sa Kris TV na nakakaramdam siya ng selos at pag-aalala ngayong magkakasama muli sina Angeline at Coco.

Read: Erik Santos admits Coco Martin a threat to his special relationship with Angeline Quinto: “Kailangan kong maging mature sa lahat ng mga bagay... this is one of them."

Ngunit nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Angeline, sinabi nitong walang dapat ipag-alala si Erik.

“Masayang-masaya si Erik kasi magkakaroon ako uli ng teleserye, at ako naman, lagi kong sinasabi sa kanya na si Coco Martin ang unang-unang lalaki na natambal sa akin.

“Hintayin ko na lang kung ano ang mangyayari, basta ako, gagawin ko na lang kung ano ang trabaho ko.”

Kumusta naman ang espesyal na relasyon nila ni Erik?

Sagot ni Angeline, “Very happy talaga, as in.

"Kasi natutuwa kami ni Erik kasi kung anuman ang mga pangarap namin, sabay natutupad lahat.

“Ako, masasabi ko na si Erik talaga is blessing talaga sa akin.

"Feeling ko naman, yun din naman ang masaabi niya about me."

May aaminin na ba sila?

Natatawang tugon ni Angeline, “Siguro sa concert na lang! So manood kayo!”


EXCITED ABOUT CONCERT WITH ERIK. Ang tinutukoy ni Angeline ay ang concert nila ni Erik sa Araneta Coliseum sa August 15, ang Erik Santos and Angeline Quinto at the Araneta Coliseum.

Dahil first time nilang magsasama sa isang major concert, sinabi ni Angeline na excited at kinakabahan siya sa magiging outcome nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Honestly, kinakabahan ako.

"Pero sobrang excited din ako kasi dream ko talaga na makasama sa isang concert si Erik, at the same time sa Araneta Coliseum pa gagawin.

“Talagang excited ako sa mga gagawin naming songs dito.

"Kasi yung iba dito, first time naming kakantahin together.

“Before, nagpe-perform ako dun, like Christmas special, mga special events.

"Pero ngayon kasi, iba yung feeling na sarili mong concert, sarili mong show, so excited ako talaga and kinakabahan din."

Dagdag pa ni Angeline, “Itong mga songs na kakantahin namin, talagang pinag-isipan namin ni Erik.

"Pareho kaming nag-advice sa isa’t isa kung ano ang magandang kantahin ko, magandang kantahin niya, at yung mga duets namin, lalo na yung prod number namin ni Sir Martin [Nievera] and Ms. Regine Velasquez."

Ipinagpapasalamat din ni Angeline na tanggap at sinusuportahan ng mga tao ang tandem nila ni Erik.

“Nakakatuwa kasi maraming tao ang natutuwa sa tandem namin ni Erik, sabi ko nga sana magtuluy-tuloy.

“Happy naman ako talaga, kasi si Erik, ever since sinusuportahan naman ako talaga, hindi lang bilang kaibigan, bilang special someone ko siyempre.

“Yun ang maganda sa amin, lahat ng mga tungkol sa personal na buhay namin, sini-share namin sa isa’t isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN