Cristina Gonzales mum about stepson Raymund Romualdez’s lovelife: "Kasi we cannot meddle with our kids.”

Incumbent Tacloban City Councilor Cristina Gonzales jokes about stepson Raymund Romualdez’s preference for showbiz girlfriends: "Mana siguro sa daddy niya. Gusto rin ’atang mapangasawa ay celebrity. Wala namang problem dun, basta pareho nilang mahal ang isa’t isa."


Ayaw ni Cristina Gonzales na makialam sa lovelife ng kanyang stepson na si Raymund Romualdez.

Lalo na sa intriga tungkol sa diumano'y pagkakagalit ng dating mag-best friend na sina Gwen Zamora at Ellen Adarna dahil kay Raymund.

Si Gwen ay ang ex-girlfriend ni Raymund, na balitang girlfriend naman ngayon ni Jeremy Marquez; samantalang si Ellen ay naging girlfriend din ni Raymund pero naghiwalay rin sila.

Si Raymund ay anak ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez sa dati nitong nakarelasyon bago pa man sila ikinasal ni Cristina noong 1997.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng grupo ng entertainment media na inimbitahan niya noong June 28 at June 29 para saksihan ang "Parade of Lights" na bahagi ng month-long celebration ng Sangyaw Festival sa Tacloban City, tinanong si Cristina kung ano ang masasabi niya tungkol sa nasabing isyu.

Aniya, "You know, my son is goodlooking, he's eligible, baka hindi pa siya ready mag-asawa.

"In fairness, hindi ko alam.

"Hindi naman kasi ako nagmi-meddle sa ano niya, e...

"Ako naman kasi, siyempre gusto ko is the best woman for him.

"He's only 27. Actually, puwede na nga siyang mag-asawa.

"Nowadays kasi maaga na silang mag-asawa, e."

Nakilala na ba niya si Ellen?

Sagot ni Cristina. "Noon pa.

"Lately? Parang sa party noon, e."

Kanino ba siya mas close kina Gwen at Ellen?

Saad niya, "Kanino ako naging mas close? Pareho naman.

"Wala namang... Gwen is really nice."

Sino naman ang mas gusto niya sa dalawa?

Sagot ni Cristina, "Whoever naman he loves.

"Kasi we cannot meddle with our kids.

"Siyempre, now, as a mom, gusto mo siyempre yung the best.

"Ganun talaga yun, pero good boy naman siya."

Mukhang sa artista talaga ang hilig ni Raymund dahil sa celebrities ito laging nai-involve.

Natatawang sabi ni Cristina, "Mana siguro sa daddy niya!

"Gusto rin 'atang mapangasawa ay celebrity!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang problem dun, basta pareho nilang mahal ang isa't isa."


TACLOBAN RISES AGAIN. Pagtapos nito ay minarapat na niyang pag-usapan ang tungkol sa pagbabagong nangyayari sa Tacloban, matapos ang mahigit isang taon na pagbabangon mula sa storm surge na Yolanda.

Tanong niya sa amin: "What do think? What do you see?

"Last year, medyo tahimik kami, e.

"Kahit yung festival naman, quiet lang kami, small lang.

"Naka-refocus kami sa rebuilding, actually, up to now, dun pa rin kami naka-refocus.

"Pero sa amin, itong fiesta, bongga siya pero nakakatulong siya sa turismo, at sa ekonomiya.

"So, kapag maraming tao, maraming festivities, gagastos sila dito, so everyone's happy.

"Maraming tindahan, maraming sales, it's really a win-win situation."

Malaking tulong nga raw ang halos isang buwang piyesta nila na nagtapos sa isang magarang Parade of Lights, dahil maging ang mga taumbayan ay nakakapag-move on na rin sa trahedyang sinapit ng mga ito.

Aniya, "Yun nga ang psyche dun, e.

"Move on tayo, move forward, 'di ba? Nakakatulong 'yan, e.

"Nakakatulong 'yan sa positive outlook natin na 'wag na tayong bumalik sa bad experience na nangyari.

"Para ma-normalize na rin ang kanilang tingin sa future."

Pagmamalaki pa niya sa magandang itinatakbo ngayon ng buhay sa kanilang siyudad, "Nakatulong talaga yung nagkaisa ang mga businessmen.

"Like yung Robinsons, nag-renovate talaga sila sa nasirang mall, kasi na-loot talaga sila noon.

"Tapos, nag-open ng maliit na SM dito at dumami talaga ang restaurants dito, pati hotels, stores.

"Of course, masama ang nangyari, 'di ba? Pero meron ding good in a way na parang na-boost ang economy in a way.

"Pero 'di pa siya katulad noon, kumbaga, it's going back unti-unti.

"Nagugulat na lang kami sa daming nag-o-open ng mga bago.

"Tapos yung International Non-Government Organizations (INGOs), yung volunteer tourism nila, nakakatulong talaga nang malaki.

"Kaya nga, ang tawag sa amin ay resilient country, dahil sa ipinakitang tibay talaga ng tao sa pagharap ng malaking problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can say na happy people na rin ang Taclobanons."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN