Victoria Court CEO Archie King killed in Batangas chopper crash

Victoria Court CEO Archie King died while receiving medical treatment after his chopper crashed near Mt. Maculot in the province of Batangas, Sunday noon, July 5, 2015.


Bumagsak ang sinasakyang chopper ng may-ari ng Victoria Court chain of hotels na si Archimedes "Archie" Rosario King, 62, malapit sa Mt. Maculot sa Cuenca, Batangas, pabalik ng Maynila, mula sa Puerto Galera, ngayong Linggo ng tanghali, July 5.

Agad na isinugod sa Martin Marasigan Memorial Hospital si Archie, kasama ang anim pang nasaktan sa aksidente, ngunit nasawi ito habang tumatanggap ng medical treatment.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, nasawi rin sa malagim na aksidente ang piloto ng chopper na kinilala bilang si Capt. Felicisimo Taborlupa.

Si Archie ay anak ng Filipino-Chinese billionaire at philanthropist na si Angelo King, ang nagsimula ng Anito Lodges sa Pasay City noong '70s.

Siya rin ang nagsimula ng Victoria Court motels na ngayon ay may 10 branches na at pinamamahalaan ng kanyang mga anak na sina Atticus King, boyfriend ni Bubbles Paraiso at ex-boyfriend ni Iza Calzado, at Ian King, ang asawa ng model na si Joey Mead.

Kabilang naman sa mga nasaktan ay ang asawa ni Archie na si Ling-ling King, ang socialite/model na si Tina Ocampo at ang asawa nitong si Rico de Ocampo, ang editor-in-chief ng Philippine Tatler na si Anton San Diego, Christopher Chilip, at Patricia Chilip.

Ang kanilang sinasakyang chopper ay isang Augusta 109E helicopter na may registry number na RP-C2726 at ino-operate ng Malate Tourist Development Corp.

Kinumpirma ng Philippine Red Cross (PRC) Chairman na si Richard Gordon ang aksidente sa panayam nito sa Inquirer.net.

Ayon pa sa kanilang ulat, sinabi ni Senior Inspector Joel Laraya na ang masamang panahon dala ng bagyong Egay ang isa sa hinihinalang dahilan kung bakit nag-crash ang sinasakyan nilang chopper.

Bukod dito, iniimbestigahan na rin ng pulisya kung may clearance ang kanilang sinakyang chopper upang lumipad.

Dadalhin din daw sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City ang ibang nasaktan sa aksidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN