Kapuso Mo, Jessica Soho chronicles Jiro Manio’s rise and fall

Sa panayam kay Jiro Manio ni Jessica Soho noong taong 2012, inamin nitong naging pariwara ang buhay niya dahil sa bisyo. Pagkatapos ng kanyang rehab, sinubukang bumangon ng aktor ngunit nabigo siya hanggang sa unti-unting nawala sa sirkulasyon.


Ang TV crew ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) ng GMA Network ang kauna-unahang media na nagtungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 departure area pagkatapos kumalat ang balitang naroon ang dating child actor na si Jiro Manio noong June 30.

Sa episode ng show na ipinalabas ngayong Linggo ng gabi, July 5, inilatag dito ang mga pangyayari mula nang natuklasan nila ang kinaroroonan ni Jiro sa pamamagitan ng post ng isang airport staff.

JIRO’S EARLY LIFE AS ARTISTA. Inilahad din ng KMJS ang buhay ni Jiro Katakura o mas kilala bilang Jiro Manio simula nang mag-artista ito sa edad na limang taon.

Nine years old naman si Jiro nang ginawaran siya ng Best Child Performer award para sa pagganap niya sa pelikulang Bagong Buwan (2001).

Ngunit mas tumatak sa mundo ng pelikula ang pangalang Jiro Manio sa pelikulang Magnifico ni Direk Maryo J. de los Reyes noong taong 2003.

Dito lumabas ang natural na galing sa pag-arte ng 12-year-old child actor noon.

Kaya naman humakot siya ng tatlong Best Actor awards para rito; FAMAS Awards, Gawad URIAN, at FAP Awards. Siya ang pinakabatang aktor sa Pilipinas na ginawaran ng Best Actor.

Maagang naulila sa ina si Jiro dahil namatay ito sa kidney cancer.

Ayon sa caretaker ng sementeryo na kinalalagakan ng mga labi ng ina ni Jiro, minsan kahit madaling-araw ay kumakatok sa kanila si ang aktor upang mahiram ang susi ng puntod nito at dito na raw ito natutulog.

Minsan daw ay inaabot ito ng tanghali o kaya hapon katabi ng puntod ng ina. Nakatitig lang daw ito minsan sa larawan nito na parang naiiyak.


BATANG AMA. Sixteen years old naman si Jiro nang maging ama siya.

Dalawa ang naging anak nito sa dating nobya.

Bukod pa rito, nalulong din sa droga ang aktor kaya naman ipinasok siya sa rehab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taong 2012, bumuti ang kundisyon ni Jiro at nakatapos ng high school.

March 2012, nakapanayam ni Jessica Soho si Jiro.

Dito ay ikinuwento ni Jiro kung paano napariwara ang kanyang buhay.

“Noong una po, medyo nakatikim ako ng drugs.

"And then, sumunod na yung naging unprofessional ako pagdating sa trabaho.

“Hanggang sa dumating yung point na nawawala ako sa sarili ko.

"At naisip ko na, ‘Pabayaan ko na yung career ko. Wala namang nangyayari sa akin e.’

“Gusto kong tikman lahat ng gusto kong tikman.

"Hanggang sa nag-decide yung pamilya ko at kinausap ko sila na magpapa-rehab na lang muna ako.

"Para sa ganun, e, makumpleto ko yung gusto ko sa buhay ko, na maunawaan yung sarili ko kung ano yung kailangan, kung ano pa yung gusto kong idagdag sa sarili ko.”

Inamin ni Jiro na nalulong siya sa shabu, nagpakasasa sa paninigarilyo, at nagpakalunod sa alak.

Dito na rin niya inaming nakabuntis siya at may anak na siya.

Sinabi rin ni Jiro na hindi na niya na-control ang kanyang sarili noon.

“Hindi siguro. Kasi, nagdedesisyon akong mag-isa.

"Tapos inisip ko na parang wala namang harang sa dadaanan ko, e, so didiretsuhin ko na ‘to.”

Sinabi rin niya ang nangyaring gamutan sa rehab para makawala siya sa kanyang naging addiction.

Matapos nito, gusto na muling subukan ni Jiro ang pag-arte.

Aniya, “Marami akong plano, e. Plano kong mag-artista uli.

“Gusto kong ipakita ulit dun sa mga tao na gusto ako at naghihintay sa akin na bumalik dun sa dati kong ginagawa.”

Nakabalik man si Jiro sa showbiz, pero hindi ito nagtuluy-tuloy.


FIRST GLIMPSE AT NAIA. Simula noon ay wala nang balita tungkol kay Jiro.

Hanggang sa naging viral na ang larawan niya sa airport.

Tatlong araw na pala itong palaboy-laboy sa paliparan ng NAIA 3 at namamalimos ng pagkain.

Kuwento ni Jessica sa kanyang report, ang kanilang team ang unang media na nagtungo sa airport upang puntahan si Jiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay nakausap nila ang guwardiyang si Frank Surca, na nagsabing mula pa noong June 28 nasa loob ng airport ang aktor.

Charger at face towel lang daw ang dala nito.

Inalok daw niya ito ng pagkain pero ayaw daw niyang tumanggap. Hanggang sa inalok niya ito ng cup noodles na tinanggap na ni Jiro.

Tila unstable daw ang kondisyon ni Jiro noong mga panahong yun, kaya humingi ng tulong sa isang psychologist ang KMJS.

Sila lang ang tanging pinayagan ng airport police na makapasok sa kuwartong kinagalakan ni Jiro sa airport dahil may ipinakita silang permit upang maalalayan ang aktor at maiuwi sa kanilang bayay.

Bandang alas-9 ng gabi noong June 30, dumating ang ipinatawag ng show na clinical psychologist, si Dr. Cely Magpantay.

Sabi ni Dr. Magpantay, “friendly approach” ang una niyang gawin para maging kumportable si Jiro.

Pagkatapos makausap ng psychologist si Jiro, sinabi nitong, “Very selective yung mga words niya, very choosy at the moment, kasi natakot siya dun sa pinagkaguluhan siya kanina ng media.

“Siyempre, may trust issue.”

Dumating din ang kaibigan ng pamilya, ang enetrtainment writer na si Rommel Placente upang kausapin ang actor.

Sinabi rin ni Dr. Magpantay na kontakin ang amain nitong si Andrew Manio.

Sabi pa nito, “Kanina po ay ayaw na talaga niyang umuwi, tapos medyo iba-iba po kasi ang sinasabi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN