Ervic Vijandre reveals new inspiration

Ervic Vijandre narrates how he met his latest love interest: “Na-meet ko siya rito sa Manila. For three days, nandito siya sa Manila and noon na-meet ko siya, tinour ko siya sa Manila kasama ang friends niya. ’Tapos, pupunta sila sa Palawan at ang last stop nila, Boracay, doon ako sumunod. Sinundan ko siya sa Boracay.”


“Kinda!”

Ito ang natawang sagot ng Kapuso actor na si Ervic Vijandre nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lovelife niya at nang sabihin namin sa kanyang mukhang in-love siya ngayon.

Nakikita namin sa posts niya sa Instagram na may kasama siyang babae na nagngangalang Juliane Tran, at ilan sa mga kaibigan niya ang tila tinutukso sila.

Adventure trip to #taalvolcano followed by freshwater swimming #allboutdatlakelife

A photo posted by Ervic Vijandre (@ervic_vijandre) onJun 2, 2015 at 10:35pm PDT

Sabi naman ni Ervic, “Hindi pa official pero... paano ko ba sasabihin yun?

"Kasi long-distance, pero pupuntahan ko siya next month."

Vietnamese daw ang bago niyang inspirasyon, pero ipinanganak at lumaki raw ito sa Australia.

Nakilala niya raw si Juliane nang magbakasyon ito sa Pilipinas.

LOVE AT FIRST SIGHT? Parang love-at-first-sight yata ang nangyari kay Ervic, dahil nakita lang niya si Juliane kasama ang mga kaibigan nito.

Kuwento pa ni Ervic, “Na-meet ko siya rito sa Manila.

"For three days, nandito siya sa Manila and noon na-meet ko siya, tinour ko siya sa Manila kasama ang friends niya.

“Tapos pupunta sila sa Palawan at ang last stop nila, Boracay, doon ako sumunod. Sinundan ko siya sa Boracay.”

Kung sakali raw, ito ang long-distance relationship niya na matagal talaga bago sila magkikita.

“Dati kasi nagkaroon na rin ako ng relationship, Filipina siya, pero umuuwi siya every month.

"Ito naman, talagang wala siyang relatives dito.

“If she’s gonna be here, for vacation lang talaga or to see me.

“Actually, kababalik lang din niya dahil noong June 2, birthday niya, dito siya nag-celebrate.

"Kakabalik pa lang din niya sa Australia two weeks ago.

“Ngayong July, ako naman ang pupunta sa kanya.”

Nakita rin namin sa Instagram account ni Ervic na magkasama sila ni Juliane na pumunta sa Cambodia.

#AngkorWatt sunrise w/ @jueeyyy

A photo posted by Ervic Vijandre (@ervic_vijandre) onJun 7, 2015 at 9:04pm PDT


RICH GOES “AUSSIE” TOO. Dahil sa kuwento ni Ervic na Australian citizen ang bagong inspirasyon niya, ang dati namang na-link sa kanya na si Rich Asuncion ay isa ring Australian ang boyfriend ngayon, ang rugby player na si Benj Mudie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ervic tungkol dito, “Actually, nabalitaan ko rin nga na may boyfriend nga raw si Rich ngayon. Pero ngayon ko lang nalaman na Australian din.”

Tulad niya, may plano rin si Rich na pumunta ng Australia ngayong July.

“Ganun ba, baka magkasabay pa kami sa eroplano!” natawang sabi ni Ervic.

Nakausap ng PEP.ph (Philipine Entertainment Portal) si Ervic nang um-attend siya sa kasal nina Elvis Gutierrez at Alexa Uichico sa Santuario de San Antonio, Forbes Park, kamakailan.

Sa halos sunud-sunod na celebrity weddings, wala ba siyang nararamdamang inggit kapag may ikinakasal?

Sagot ni Ervic, “Oo nga, e, ang dami ngang ikinakasal ngayon.

“Pero wala, hindi naman, siguro mga ilang taon pa.

“At saka, ako naman kasi, hindi ko pini-feel kung kailan. Basta dumating at tama na ang panahon,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN