Diego Loyzaga on bashers: “I love my bashers. I always look for the bad ones.”

Diego Loyzaga says he always look for the tweets of his bashers so that he can do better next time when it comes to his acting. “Lagi kong hinahanap yung mga tao na sinasabi na ‘Ay, pangit ka guman’to, ang pangit mo um-acting.’ Why? I wanna know why and then gagalingan ko the next time.”


Kagaya ng karamihan ng mga artista, hindi ligtas sa bashers ang Kapamilya young actor na si Diego Loyzaga.

Subalit ayon sa anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, nakakatulong ang mga ito sa kanya pagdating sa pag-arte.

“I love my bashers... I love my bashers.

“I actually like reading critics about me that are bad because those are the things I’ll work on and try to improve.

“Siyempre lahat ng tao ‘di naman perpekto, so naghahanap ako sa [mga] messages ko."

Ayon pa kay Diego, “Siyempre, I appreciate all the lovely tweets, pero I always look for the bad ones.

“Lagi kong hinahanap yung mga tao na sinasabi na, ‘Ay, pangit ka guman'to, ang pangit mo um-acting.’

“Why? I wanna know why and then gagalingan ko the next time.”

THE BREAKUP PLAYLIST. Kasama si Diego sa cast ng pelikulang The Breakup Playlist na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo.

Ayon sa young actor, masaya siya dahil sa unang movie niya sa Star Cinema ay mga bigating stars agad ang kasama niya.

Gumaganap si Diego bilang teen star na magko-concert kasama ang banda ng mga karakter nina Sarah at Piolo sa pelikula.

Sabi ni Diego, “It feels good. It feels really good.

"I’m very humbled. I’m very blessed.

“I’m very honored na nakapagtrabaho ako [with] one of the most talented people in the industry na si Piolo Pascual and Sarah Geronimo, na I got to see their musical side, which I also have a [connection]. I love the musical side."

Dagdag pa niya, “And, of course, si Direk Dan [Villegas].

"Parang it fit in so perfectly na yung rock-and-roll theme, yung ganun-ganun, kasi nagawa ko na yun noon.

“So, parang it was even better na I got to do it now with someone with authority, right, like Sarah and Piolo. Grabe na talaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aside from that, yeah, everything was fine naman. Everything was great."

Ayon kay Diego, marami rin siyang natutunan sa pakikipagtrabaho kina Sarah, Piolo, at sa direktor ng pelikula na si Dan Villegas.

“I learned key tips siyempre.

"Being on the big screen is different from being on TV every day.

“So, yun, normally napapanood ko lang sila sa TV, parang ‘Si Piolo Pascual, I’m working with Piolo Pascual!’

"Ayun, wala lang, it’s very humbling.”


BLESSED WITH TV PROJECTS. Masaya rin si Diego dahil sunud-sunod ang nagiging TV projects niya.

Pagkatapos kasi ng Forevermore, agad siyang nabigyan ng role sa kapalit na show na Pangako Sa’Yo.

Ginagampanan niya rito ang papel na David, ang isa sa mga kanang-kamay ni Eduardo Buenavista, na ginagampanan naman ni Ian Veneracion.

Malaki ang pasasalamat ni Diego sa blessings na natatanggap niya ngayon.

“I just want to thank God!

"Talagang I just want to thank God because I wouldn’t be here right now kung hindi sa Diyos.

“Talagang I was blessed. I prayed for this. I worked for this.

“And now, God has given it to me.

"This is all this fruits of, I guess, pagpupuri sa Diyos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN