Marvin Agustin, Carlo Aquino also offer to help Ang Tanging Ina ’brother’ Jiro Manio

Pinasalamatan ni Ai-Ai delas Alas ang mga aktor na sina Marvin Agustin at Carlo Aquino sa pag-aabot nila ng tulong para kay Jiro Manio. Sina Marvin, Carlo, at Jiro ay gumanap na mga anak ni Ai-Ai sa Ang Tanging Ina movie franchise.


Lubos-lubos ang pasasalamat ni Ai-Ai delas Alas sa pagpapakita ng malasakit at handang pag-abot ng tulong ng kanyang mga kapwa-artista na sina Carlo Aquino at Marvin Agustin para kay Jiro Manio.

Sina Marvin, Carlo, at Jiro ay gumanap na mga anak ni Ai-Ai sa Ang Tanging Ina film series ng Star Cinema.



Naging vocal si Ai-Ai sa pagtulong kay Jiro matapos mabalitang nagpapalaboy-laboy ang dating child actor sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong isang linggo at tila wala raw sa tamang pag-iisip.



Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nagpasalamat si Ai-Ai sa kanyang mga “anak-anakan” na sina Marvin at Carlo sa pag-aabot nila ng tulong para sa kanilang “kapatid.”



Nitong Linggo, July 5, ipinost ni Ai-Ai ang screen grab ng palitan ng text messages nila ni Marvin kung paano nila matutulungan si Jiro.

Sa palitan ng text messages, pinakiusapan ni Ai-Ai si “Juan” (role ni Marvin sa Ang Tanging Ina film series) na tulungan si Jiro na makapagtrabaho kapag gumaling na ito.



Kilala si Marvin sa pagkakaroon ng restaurant business.



Ayon sa caption ng nasabing Instagram post ni Ai-Ai: “Thank you baby boy juan anak ... Salamat sa pagtulong m saken at sa kapatid mo ... Ang pelikula naging totoong buhay .. GOD BLESS YOU MORE MARVIN AGUSTIN labyu”

Noong nakaraang linggo, ipinost naman ni Ai-Ai sa Instagram ang mga mensahe ng pagsuporta ng kanyang followers, pati na rin ang palitan ng text messages ni Carlo sa panganay ni Ai-Ai na si Sancho upang makibalita tungkol sa kalagayan ni Jiro.



Sinabi rin ni Carlo na mag-aabot siya ng tulong para sa kanyang “kapatid” na si Jiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN