Matteo Guidicelli assures there’s no problem with him and girlfriend Sarah Geronimo

“It’s okay. It means she loves me,” says Matteo Guidicelli about Sarah Geronimo checking him out when they’re not together.


“Wala, walang tampuhan.”

Ito ang paglilinaw ni Matteo Guidicelli tungkol sa naging pahayag ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo sa weekend talk show na Gandang Gabi Vice.

Sa episode ng GGV noong Linggo, July 5, tinanong ni Vice Ganda si Sarah kung may problema sa relasyon nila ni Matteo.

Sagot ng Popstar Princess, “Hindi naman maiiwasan 'yong mga ganyan, 'yong mga trials, pero okay na.”

Kasunod nito, tinanong ni Vice kay Sarah kung ang The Breakup Playlist leading man niyang si Piolo Pascual ba ang dahilan.

Natatawang sagot naman niya, “Maaari!”

Sa PEPtalk interview ni Matteo ngayong Lunes, July 6, kinuha namin ang pagkakataon upang linawin mula sa kanya ang tila naging isyu bunga ng sagot ni Sarah sa GGV.

Ngunit paniniguro ni Matteo, walang problema sa kanila ni Sarah ngayon.

Malabo rin daw na si Piolo ang magiging dahilan dahil aniya, “Piolo is my friend. We're together nga sa Banana Split after ng GGV.”


SARAH CHECKS OUT. Ang pagge-guest ni Matteo sa PEPtalk, sa ikalawang pagkakataon, ay para sa promotion ng Dreamboys concert nila nina JC de Vera at Daniel Matsunaga na gaganapin sa sa Sabado, July 11, sa Music Museum.

Dahil itinuturing na Dreamboy, hindi maiiwasang may ilang babae na nagkakaroon ng interes kay Matteo.

Naaapektuhan pa ba si Sarah sa ganito?

“I guess sometimes,” nakangiting sagot ng 26-year-old actor-singer.

Dagdag pa ni Matteo, “Sometimes she always texts me, 'Uy, ano ang ginagawa mo diyan? Sino ang kasama mo?'”

Pero hindi raw ito problema, sabi ni Matteo.

“It's okay. It means she loves me.”


PROUD OF SARAH. Sa naturang PEPtalk episode, sinabi rin ni Matteo na natutuwa siya dahil nagiging mas open na ngayon si Sarah sa saloobin nito.

“I'm really proud of her.

“She's like coming out of her little shell.

“She's like coming out of her comfort zone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She's becoming the person she wants to be.”

Pagbabalik-tanaw pa ni Matteo, “You know, when I met Sarah a few years ago, when I looked into her eyes, she has so many dreams, she has so many things that she wanted to do.

“We didn't know each other yet.

"Like, when I guested in her concert two years ago, when I looked at Sarah, parang there's so many things that she wants to say but she can't.

“But now, those things that she wants to do and she wants to say are slowly coming out and slowly happening.

“You can see it, when she talks, she's becoming more relaxed, more open, and more like 26-year-old.”

Ayaw namang isipin ni Matteo na naging malaking impluwensiya siya para sa pagbabagong ito ni Sarah.

“It's all her,” sabi niya.

Gayunman, patuloy lang daw ang suporta niya para sa kanyang girlfriend anuman ang gustong gawin nito.

“I always tell her, 'Just do what you have to do. I'll always be here beside you,” sabi ni Matteo.

Abangan ang iba pang mga pahayag ni Matteo tungkol sa relasyon nila ni Sarah sa PEPtalk.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN