Vice Ganda billboard ads taken down in Cebu City for being "sexually suggestive"

“Indecent” at “sexually suggestive” umano ang billboard ads para sa concert ni Vice Ganda na Vice Gandang Ganda sa Sarili sa Cebu City (Eh Di Wow), ayon sa Cebu City local government.


Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Cebu na tanggalin ang billboard ads ng concert ni Vice Ganda na Gandang Ganda Sa Sarili sa Cebu (Eh Di Wow) dahil sa pagiging “indecent” umano nito.

Ayon sa ulat ni Jean Marvette Demecillo ng The Freeman, sinabi ni City Administrator Lucelle Mercado, chairperson ng Cebu City Anti-Indecency Board (CCAIB), na hindi pinapayagan ang “indecent photos” sa kanilang lalawigan.

Dagdag pa ni Mercado, “sexually suggestive” ang billboard ads para sa concert ng It's Showtime host na gaganapin sa Pacific Grand Ballroom ng Waterfront Cebu City Hotel sa Huwebes, July 9.

Nilinaw rin ni Mercado na umaksyon lamang sila sa mga reklamong nakuha nila tungkol sa billboards, kung saan si Vice ay nakasuot ng red sexy dress at napaliligiran ng mga naka-topless na lalaki.

Ito rin ang billboard na ginamit sa parehong R-13 concert ni Vice sa Araneta Coliseum noong May 23.

Samantala, agad naman ipinatanggal ng local promoter ng concert ang mga naturang billboard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN