Bea Alonzo admits problem in her relationship with boyfriend Zanjoe Marudo

Matagal nang tradisyon ng magkasintahang Bea Alonzo at Zanjoe Marudo na magkasamang nagbabakasyon sa ibang bansa. Pero ikinagulat ng followers nila sa Instagram kung bakit mag-isa lang na bumiyahe last week si Zanjoe papuntang Spain. Dahil dito, umugong ang balitang hiwalay na sila.


Mabilis na umugong ang balitang hiwalay na diumano sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo nitong nakaraang linggo dahil mag-isa lang na nagbakasyon ang aktor sa Europe.

Last week, tumulak mag-isa patungong Madrid, Spain si Zanjoe.

Ipinagtaka ito ng marami dahil kapag nagbibiyahe noon si Zanjoe sa ibang bansa ay palagi nitong kasama ang girlfriend of four years na si Bea.

adiós manila, hola madrid!

A photo posted by @zanjoemarudo onJun 27, 2015 at 3:50am PDT

Ngayong Martes ng gabi, July 7, sa panayam sa kanya ni Gretchen Fullido ng TV Patrol, inamin ni Bea na may pinagdadaanang pagsubok ang relasyon nila ni Zanjoe.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Siyempre, who doesn’t want to stay in a beautiful relationship, ‘di ba? So, nandun kami.”

Nakauwi na si Zanjoe sa Pilipinas, at kasalukuyan daw nilang inaayos ang gusot sa kanilang relasyon.


INSTAGRAM POSTS. Sa kani-kanilang Instagram accounts, kapansin-pansing parehong seven weeks ago pa ang huling post kung saan magkasama sila; ito ay kuha sa recent vacation nila sa New York.

i had fun spending time with these cool people 😊 @arnold_vegafria @bcbench @migspastor @zanjoemarudo

A photo posted by bea alonzo (@beaalonzo) onMay 20, 2015 at 12:42pm PDT

NYC with Bea, Ben, Migs & Arnold.

A photo posted by @zanjoemarudo onMay 20, 2015 at 12:33pm PDT

Sa mga kasunod na mga larawan na ibinahagi nila sa kanilang followers, wala na silang posts na magkasama.

Nauna na rito, itinuturing sa showbiz na ideal couple sina Bea at Zanjoe dahil hindi napabalitang nagkaroon sila ng away o alitan.

Nitong nakaraang Abril, habang nagbabakasyon sila sa Japan, ay umugong ang balitang buntis diumano si Bea.

Pero mariin itong pinabulaanan ng aktres.

Read: Bea Alonzo quashes pregnancy rumor: “NOT true!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN