15-year-old daughter of Nonie and Shamaine Buencamino commits suicide

Oh My G! actress Julia Louise Buencamino was found hanging from the ceiling by their household help, Tuesday night, July 7. Julia is the daughter of veteran actros Nonie and Shamaine Buencamino.


Nagpatiwakal ang 15-year-old daughter nina Nonie at Shamaine Buencamino na si Julia Louise Buencamino sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili.

Si Julia, na isa ring artista gaya ng kanyang mga magulang, ay bahagi ng ABS-CBN daytime series na Oh My G!, kung saan gumanap siyang best friend ng bidang si Janella Salvador.

Ayon sa imbestigador ng kaso na si PO3 Victorio Guerrero, base sa report ng ABS-CBN News online, natagpuan si Julia ng kanilang kasambahay na nakabitin mula sa kisame sa bahay ng mga Buencamino sa Quezon City bandang alas-otso ng gabi, nitong Martes, July 7.

Idineklara siyang dead on arrival sa Cardinal Santos Medical Center, sa San Juan City.

Ayon naman sa report ng DZMM, pinakiusapan ni Nonie ang mga awtoridad na huwag nang ituloy ang imbestigasyon dahil kumbinsido siyang nagpakamatay nga ang kanyang anak.

Si Julia ay bunso sa apat na anak nina Nonie at Shamaine.

Sa St. Joseph Chapel ng Mt. Carmel Shrine, Broadway Avenue, New Manila, Quezon City isasagawa ang wake ni Julia simula 2 P.M. ngayong Miyerkules, July 8.

Sa Linggo, July 12, nakatakda namang isagawa ang cremation ng 15-year-old actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN