Manny Pacquiao flies to Indonesia to fulfill promise to Mary Jane Veloso

Manny Pacquiao fulfills his promise to visit convicted Filipino migrant worker Mary Jane Veloso in Indonesia.


Nagtungo na sa Indonesia si Manny Pacquiao, kasama ang asawang si Jinkee, upang tuparin ang pangako niya sa migrant worker na si Mary Jane Veloso.

Ayon sa ulat ng GMA News, ang pag-alis ng mag-asawa patungong Indonesia ay kaugnay ng ipinangako ng Pinoy boxing champ kay Mary Jane matapos maipagpaliban ang pagbitay sa kanya noong Abril.

On our way to Indonesia!

A photo posted by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) onJul 7, 2015 at 2:01am PDT

Matatandaang personal na umapela si Manny sa gobyerno ng Indonesia para huwag ituloy ang pagbitay kay Mary Jane, na convicted sa kasong drug trafficking.

Kaugnay nito, nangako ang Sarangani representative na personal siyang makikiusap sa gobyerno ng Indonesia tungkol sa kaso ng 30-year-old Filipino migrant worker.

Read: Manny Pacquiao, other celebrities rejoice over delay of Mary Jane Veloso's execution


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN