Andrea Torres to pursue more mature, sexy roles: "Natutuwa ako na marami namang nakaka-appreciate."

As of now, Andrea Torres is well-exposed as a versatile artist who can do both drama and comedy, as well sing and dance. But she wants to do more, “Gusto kong maka-try ng role na sobrang lalim at hindi glamorized para ibang side ko naman ang makita.”


Nagsimula si Andrea Torres na sweet at very wholesome ang image, at heto siya ngayon, lumilinya na rin siya sa pagsi-sexy.

Saad ng Kapuso actress, “Matagal-tagal din na pagku-convince talaga kasi hinintay ko yung time na reding-ready na ako.

“Para hindi naman parang alanganin yung hitsura ko, so ngayon ini-enjoy ko lang.

“Kasi parang nakakabuti naman siya sa career ko, natutuwa ako na marami namang nakaka-appreciate.

“At saka kailangan din talagang mag-mature, oo.”

Dumami bang lalo ang kanyang admirers o manliligaw sa pag-shift niya sa sexy image, lalo na't kabilang siya sa 10 Sexiest Women ng FHM ngayong 2015?

Sagot ni Andrea, “Hindi naman, normal pa din, natutuwa po ako…

"Iyong suporta na nakikita ko sa tao, iyon yung parang na-overwhelm ako.

“Hindi siya nakakalaki ng ulo, parang nakakapangliit siya in a way.

“Maganda kasi na parang nakikita mo na binibigyan ka ng maraming blessings.”

Handa na rin ba siya sa pagpu-portray ng sexy o daring roles?

“Kung maganda po yung project, bakit hindi? Open naman ako sa mga challenges talaga.

“Meron pa rin namang limitations, kasi gusto ko ring timplahin kung okey lang ba sa mga fans o kung ready na ba sila.

“And siyempre sa family ko rin, sa sarili ko rin, ayoko namang biglain talaga laha, step by step lang dapat.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea pagkatapos ng Sunday All Stars noong Linggo, July 5.


HARD WORK. Sa trabaho muna raw gustong mag-concentrate ni Andrea at saka na raw ang lovelife.

“Work, work, work muna.

"Naniniwala naman ako na may right time para doon.

“Nagkaroon din naman ako ng time… nung kabataan ko na na-enjoy ko naman yung mga ligaw-ligaw at nagkaka-boyfriend.

“Sarili ang focus ko ngayon, yung magandang takbo ng career ko, hindi ito naging madali na basta na lang inihain sa akin.

“Pinaghirapan ko rin talaga, so nakakatakot din gumawa ng kilos na baka makaapekto sa career.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, mas may pressure ngayon?

“Meron talagang pressure, pero ano naman, ini-enjoy ko lang.

“Hindi ako yung tipong hindi ko na manamnam yung moment, alam mo ‘yon?

“Ini-enjoy ko pa rin, kasi ito naman yung ipinagdasal ko at ginusto ko rin talaga for myself.”


LOYAL. Natutuwa naman si Andrea na hindi lang sa Cambodia ipapalabas ang ginawa nila ni Mikael Daez na movie/mini-series na Blood In Dispute kundi dito rin sa Pilipinas.

“August 6 to 9 babalik kami sa Cambodia, bale magpi-premiere na kami nun, tapos ipapalabas din dito ‘yon."

Sila ni Mikael ang madalas na nagiging magkapareha, open ba siya na maitambal din sa iba?

“Ang loyal namin sa isa’t isa!” tawa ni Andrea.

“Open rin naman ako to work with other leading men.

“Kasi kailangan din ‘yon para mag-grow kaming dalawa.

“And meron at meron ka rin kasing matututunan sa ibang makakatrabaho mo, e.

“So, maganda rin yung ganun. Magandang ma-experience din ‘yon talaga.”


VERSATILE. Naipapakita niya ngayon ang kanyang versatility as an actress, nagda-drama siya sa mga soap, sumasayaw siya at kumakanta sa Sunday All Stars, at nagku-comedy sa gag show ng GMA na Bubble Gang.

Lahad niya, “Gusto kong maka-try ng role na sobrang lalim at hindi glamorized para ibang side ko naman ang makita.”

Kung may iri-remake ba na pelikulang paborito niya, ano kaya ang gugustuhin niya na pagbidahan?

“Gusto ko ‘yong Ang Pinakamagandang Babae Sa Balat Ng Lupa,” pagtukoy niya sa classic film na pinagbidahan noon ni Gloria Diaz at ni Ruffa Gutierrez nang gawan ito ng remake.

Daring ang lead role sa nabanggit na pelikula na may mga love scenes at may mga wet look scene pa.

“Gusto ko ‘yon, kahit may mga love scene at wet look scene pa, kakayanin natin ‘yan!

“Gusto ko rin ‘yong Burlesk Queen movie ni Ate Vi [Vilma Santos].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kayanin ko rin ‘yong burlesque dance.”

May iba pang bagong aabangan sa kanya?

“Hindi ko pa po masabi kasi hindi pa final, mahirap pang magsalita, so hintayin ko muna.

“Pero may coffee table book ako na kakatapos lang, medyo malapit-lapit na rin iyon na i-launch.

“Masasabi ko na ito yung pinaka-daring na pictorial na nagawa ko kasi iba ‘yon.

“Coffee table book na iyon, so ang dami-dami niyang pictures, maraming pages ng kakaibang pictorial.”

Tuluy-tuloy na talaga ang kanyang pagpapa-sexy at pagpapaganda ng katawan lalo?

Sagot ni Andrea, “Ever since naman, talagang mahilig na akong mag-gym.

“Pero hindi ko masabi kung talagang tuluy-tuloy na dun na papunta yung iba kong mga projects sa TV.

“Basta kapag may magandang offer, kinukuha ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN