Jao Mapa revives acting career; says he’s back in showbiz for good

Jao Mapa is back after years of absence from showbiz. He says, “Right now, more mature na mga roles ang target namin at ang ipa-package sa akin ay yung mga dad character.”


Aktibong muli si Jao Mapa sa telebisyon at pelikula, at nagpahayag ng kagalakan ang aktor sa magandang oportunidad na makabalik sa acting sa mundo ng showbiz.

Sabi niya, “I hope ay dire-diretso na ito, mula nang nag-sign ako kay Arnold Vegafria, maraming pumasok na projects.

“This is a good year, blessed.

“I just signed up with Arnold kaya maganda ang ibinigay sa akin na project ngayon.

“Heto yung hinihintay kong matagal na matagal na break na, finally, dumating na nga.

“So ngayon, eto na yung repackage mula sa mga year na nawala ako.

“Mga two months ago na ako kay Arnold, pero ang dami na agad na pumapasok na projects.

“Right now, more mature na mga roles ang target namin at ang ipa-package sa akin ni Arnold ay yung mga dad character.”

Nakapanayam ng PEP.ph si Jao noong July 4 sa opening ng exhibit na tinawag na PortrAYAL (LAYA): Portraits for Freedom sa A.R.T. Center, 4th floor, SM Megamall Bldg. A, Mandaluyong City.

Ito ay hatid ng Kapisanan ng Mga Artista ng Pelikulang Pilipino at ng The Film Artist Group, isang samahan ng mga artista at filmmaker na visual artists.

Bukod kay Jao na may apat na paintings sa naturang exhibit, ang iba pang nakibahagi rito ay sina Heart Evangelista, Evangeline Pascual, Cesar Montano, Lani Lobangco, Lotlot de Leon, Maria Isabel Lopez, Melissa Mendez, Dranreb Belleza, Jao Mapa, Nadia Montenegro, Baron Geisler, Chris Villanueva, Maria Isabel Lopez, Heber Bartolome, Valerie ‘Bangs’ Garcia, Direk Louie Ignacio, Ernie Garcia, at Mara Lopez.


FAMILY. Ipinahayag pa ni Jao na hindi siya nagsisisi nang nag-quit siya noon sa showbiz.

“Hindi ako nagsisisi sa desisyon ko, eto ang tunay na buhay, eto ang talagang reyalidad.

“Walang halong nakakasilaw na pera man o kasikatan.

“Ito ang tunay na pagmamahal, hindi madali ito, mahirap, pero sa bandang huli, mabubuo ka bilang isang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bilang isang artista, kumbaga, full circle na ako, e.

“We’re going on fourteen, magpo-fourteen years na kami [ng wife ko].

“Tatlo na ang anak ko, two boys and one girl and masaya ako sa buhay ko,” nakangiting sabi niya.

GWAPINGS. Mula sa kasikatan niya bilang ika-apat na member ng grupong Gwapings na originally ay binubuo nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, at Eric Fructuoso, sinabi ni Jao na may natutunan siya nang naglaho ang kanyang showbiz career noon.

“Nagpapasalamat din ako sa desisyon kong iyan, may gusto rin kasi akong patunayan at marami akong natutunan din.

“Ngayon, masasabi ko na I’m a full-grown actor.

"Kapag ipinasok sa isang character, may paghuhugutan na, may pinagdaanan na kasi.

“Pero nakatatak pa rin naman sa lahat na naging parte ako ng grupong Gwapings noon,” nakangiting saad niya.

Painful ba para sa kanya nang nagtapos yung kasikatan niya?

“Hindi naman painful talaga, kasi ang kapalit din ay isang pamilya e, ang pamilya ko.

“Sa akin sa tingin ko, bigay din sa akin iyon ng Diyos, na hindi mo puwedeng pagsabayin talaga, e.”


SURE THING. Tuluy-tuloy na kaya ang pagiging visible niya sa showbiz?

“Yes, hopefully. Sure ball na iyan, sure ball na.

“Sa kasalukuyan, tine-taping namin yung TV series na Ang Probinsiyano sa ABS CBN.

“Pagbibidahan ni Coco Martin, sa bandang August pa siya ipalalabas.

“Sa movie naman, kasali ako sa Manila’s Finest, si Jeric Raval ang bida rito kasama rin sina Mark Anthony Fernandez at Bangs Garcia.

“Kontrabida ako rito, sina Mark at Jeric ang police dito.

“Kasama rin ako sa Tibak ni Direk Arlyn dela Cruz, ang role ko rito ay si Luis Jalandoni na spokesperson ng NDF [National Democratic Front].”


COCO. Ano ang masasabi niya kay Coco bilang aktor?

“Second time na ito na nakatrabaho ko siya, yung una sa indie film na Condo… malupit naman, magaling talaga siyang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Karangalan naman na makasama siya sa isang teleserye, no more words are needed to say.

“He is a self-made man, very good with his craft, professional, wala ka talagang masasabi, e.

“Kaya dapat ay magpakita ka rin ng galing para makasabay kay Coco.

“Kund hindi, kakainin ka niya nang buo sa mga eksena!” nakatawang saad niya.

Dagdag pa ng 39-year-old actor, “Ang role ko rito, si SPO1 Fred Salas, hindi ko pa alam kung saan pupunta yung karakter ko, e.

“Medyo hindi pa namin natatapos yung isang linggo [episode], e.

“Hopefully, magde-develop pa yung karakter ko, hindi ko pa alam kung bad cop or good cop ako rito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN