AJ Muhlach on losing tandem with Nadine Lustre to James Reid: "Naniniwala po ako sa destiny, at yun ang destiny nila."

Have things changed between him and Nadine Lustre since their time at TV5? AJ Muhlach replies, "Maiilang ako kung medyo aloof din po siya, pero ’di naman ganun si Nadine."


Si AJ Muhlach ang orihinal na kapareha ni Nadine Lustre bago nabuo ang JaDine loveteam nina Nadine at James Reid, na isa sa pinakasikat na love tandems ngayon.

Magkasama ngayon sina AJ at Nadine sa pelikulang Chain Mail, na nakatakdang ipalabas sa July 22.

Sa mga nakaraang proyekto nila sa TV5—katulad ng Bagets, Hey It's Saberdey, at P.S. I Love You—sinubok ang tambalan nina AJ at Nadine, pero hindi ito naging kasing tagumpay ng JaDine.

Marami ang nanghinayang rito, pero hindi naiwasang magkanya-kanya sila ng landas.

Ano sa palagay ni AJ ang naging problema sa loveteam nila ni Nadine noon? Wala bang chemistry ang kanilang tambalan o may iba pang kadahilanan?

Sagot niya, “Ako po, 'di ko rin alam, kasi bata pa ako noon.

"At wala akong masyadong alam sa loveteam-loveteam na 'yan, at parang lately lang naka-experience na ganyan.

"'Di ko rin nagi-gets yung mga ginawa naming scenes.

“’Di ko rin naramdaman kung may chemistry ba kami o wala.

"So, nagdi-depend din po ako sa sinasabi ng tao, kung meron ba o wala."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si AJ sa presscon ng pelikulang Chain Mail, na ginanap sa Music Hall, sa Metro Walk, Ortigas Center, noong July 4.


TOO STRONG. Ngayong may balitang maghihiwalay muna sina Nadine at James sa paggawa ng kani-kanilang projects, wish ba ni AJ na muling subukin ang tambalan nila ni Nadine?

Sabi ng actor-dancer, "Kung ibabalik po, e, di okey, kasi meron na rin kaming rapport ni Nadine.

"Nabuo na rin yung sa amin noon, at comfy na kami sa isa't isa.

"'Di tulad sa bago, siyempre kailangang kilalanin muna.

"At saka, siyempre, depende rin po 'yan, kung tatanggapin pa ba kami ng fans namin before."

Pero malaki ang paniniwala ni AJ na sobrang solid at lakas na ng JaDine loveteam para muling ibalik ang tambalan nila ng kapwa Viva contract star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng 23-year-old actor, "A, oo po, mahirap na nga pong pantayan ang loveteam nila.

"Kumbaga, may napatunayan na talaga, at sobrang dami na ang fans nila.

"Tama po kayo, saan pa kami lulugar niyan, 'di ba?

"Kahit sabihin pang medyo may pinagdadaanan ang loveteam namin, pero feeling ko, temporary lang 'yan.

"Talagang ganun, para na rin ma-test kung gaano ka-strong sila."


LET IT GO. Sa parte naman ni AJ, hindi ba siya naiilang sa dati niyang kapareha na mas angat na ito sa kanya pagdating sa kasikatan?

Sagot ng binata, "Hindi naman po.

"Hindi ko naman dyina-judge yung tao sa achievement nila sa showbiz.

"Pagdating sa showbiz, kung gaano sila kasikat o kataas, ako, dun po kasi sa relationship namin.

"Kung hindi naman siya nagbago sa pakikitungo sa akin, kung mabait pa rin siya, ba't po ako maiilang, 'di ba?

"Maiilang ako kung medyo aloof din po siya, pero 'di naman ganun si Nadine."

Inisip ba niya na kung nagtuluy-tuloy sila noon, siya sana ang James Reid ngayon sa buhay ni Nadine?

Sabi ni AJ, "Ako, naniniwala ako na yung team nila, para sa kanila yun.

"Hindi yun magwu-work kung hindi si James Reid at si Nadine yun, made yun para sa kanila.

"Naniniwala po ako sa destiny, at yun ang destiny nila."


PRETTIER. May napansin ba siyang mga pagbabago kay Nadine ngayon.

Aniya, "Physically po, marami.

"Dati po, chubby-chubby po siya na parang ako nun, kasi mga bata.

"Mas gumanda po siya ngayon, at maging sa pagsasalita, mas mature na po siya ngayon.

"Kumbaga, attractive na siya noon, pero mas lalo pa ngayon."

Noon bang time na loveteam sila ay nagkaroon siya ng special feelings para kay Nadine?

Tugon niya, "Ako po? Hindi naman siguro.

"Kasi, noong mga panahong yun, torpe po ako.

"Hindi ko iniisip yun sa babae, at kung iisipin ko po yun, na yung magkagusto sa partner ko, makakadagdag pa yun sa iisipin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka mas lalo akong nailang sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN