Rajo Laurel accuses young fashion designer of plagiarism over his Iris top design

Rajo Laurel wants young designer Mariella Garcia of 37 LA to take down its Luna top photos on Instagram claiming that she copied his famous Iris top design.


Usap-usapan ngayon sa fashion scene ang pagsita ng Filipino designer na si Rajo Laurel sa isang young fashion designer dahil sa diumano'y pagkopya nito ng isa sa kanyang mga disenyo.

“There's a huge difference from inspiration & Blatant copying & plagiarism!!!! Plagiarism is a criminal act!”

Ito ang galit na mensahe ni Rajo sa may-ari ng 37 LA online shop ng baguhang designer na si Mariella Garcia, na diumano'y gumaya ng kanyang Iris top.

Sa ilan pa niyang Twitter posts noong July 5, ipinakita ni Rajo ang screenshots ng Instagram account ng 37 LA (@37la_al73), kung saan makikita ang ilang babae na suot ang halos katulad ng Iris top design ni Rajo.

Ito ay tinawag na "Luna top" ng naturang fashion designer.

Kasunod ng mga post na ito ay isa pang Twitter post, kung saan kasama na ni Rajo sa larawan si Atty. Karen Jimeno.

Kaugnay nito, ilang kaibigan din ni Rajo ang nag-comment sa Instagram post ng 37 LA, at nagsabing kinopya lamang ang design ng Luna top sa Iris top ni Rajo.

Kabilang sa mga nagkomento ang Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzalez-Intal at si Divine Lee.

Ilan sa local celebrities na nakitang nagsuot ng Iris top ni Rajo ay sina Marian Rivera, Toni Gonzaga, Sarah Lahbati, at Kathryn Bernardo.

FASHION FACE-OFF: Kathryn Bernardo VS Marian Rivera and Sarah Lahbati

NOT ORIGINAL RAJO DESIGN? Dahil sa komento ng mga kaibigan ni Rajo, ilang followers ng 37 LA naman ang dumepensa sa young designer at sinabing hindi umano original na design ni Rajo ang Iris top.

Ayon sa ilang nag-comment, original design umano ng Australian fashion designer na si Dion Lee ang criss-cross crop top.

Melbourne. @dion_lee_site

A photo posted by DION LEE (@_dion_lee_) onOct 13, 2014 at 9:41pm PDT

Ang naturang design ay bahagi ng Spring/Summer 2014 collection ni Lee.

Ang naturang fashion collection ay lumabas sa Vogue Australia noong July 2013.

Sa kabilang banda, ang Iris top ni Rajo ay kasama sa Vreeland Holiday 2013 collection na opisyal na na-launch noong November 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit unang nakitang isinuot ito ni Marian Rivera sa press conference ng FHM 100 Sexiest 2013 noong July 2013.


Dion Lee vs Rajo Laurel


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN