Ryle Paolo Santiago wants to be adopted by his stepdad

By his own admission a mama’s boy, Ryle Paolo Santiago relates his mom Sherilyn Reyes and Claudine Barretto have been close friends even before he was born. Now, he is getting all the encouragement in his showbiz career from his aunt Claudine, especially when they will soon have a project together.


Nilinaw ng teen actor na si Ryle Paolo Santiago na hindi pa siya tuluyang lumilipat sa bakuran ng TV5 mula sa ABS-CBN.

Bahagi kasi si Ryle ng bagong TV5 show na #ParangNormal Activity na eere simula sa July 11.

Sabi ni Ryle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, hindi po. Star Magic pa rin po ako na hiniram lang, pero I don’t have a contract with ABS.”

Kapag ipinapahiram siya sa ibang istasyon, hindi ba siya nag-aalala na baka tuluyan na siyang bitawan ng Kapamilya network?

Sagot ni Ryle, “No naman po, kasi we’re under Star Magic…

"Kahit papaano po, puwede rin kaming nasa ABS at the same time nasa TV5.”

Si Ryle ay anak ng aktres na si Sherilyn Reyes sa una nitong asawa na si Junjun Santiago, na kapatid naman nina Randy, Rowell, at Raymart Santiago.

May pressure ba na nanggaling siya sa isang showbiz family?

Sagot ni Ryle, “Actually, yes!

"Kasi siyempre po, the Santiagos, they’re very respected in showbiz.

“And si Mama din po, kilala din, so siyempre you have to always behave properly all the time.

“Kasi we have our name to look after, ganun, the reputation.

“Sabi nga ni Mama, basta huwag ma-late... iyon ang sabi niya, 'Huwag ma-late, maging mabait ka.'”


ESTRANGED DAD. Diretsahang inamin ni Ryle na mas close siya sa kanyang ina kumpara sa kanyang ama.

“I live with Mom.”

Hindi raw madalas ang komunikasyon nila ng ama niya.

“Not that frequent, nakikita ko rin naman every now and then… by chance, ganun lang po, [not] spending time na talagang…”

Sino ang ka-close ni Ryle sa mga tiyuhin niya sa Santiago clan?

Sagot ng 16-year-old actor, “A, wala na po ako talagang ka-close sa kanila."

Si Sherilyn ay kasal na ngayon sa stepdad ni Ryle na si Chris Tan, dating basketball player. Legally adopted na ba siya ni Chris?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa po,” sagot ng binata.

Santiago pa rin ang gamit niyang apelyido.

Ano ang nangyari sa planong ia-adopt na siya ni Chris, papayag ba siya?

Sabi ni Ryle, “Actually, I want to nga po, I want to.

"Most people know me as Tan na rin talaga.

“Pero parang hindi pa puwedeng magpa-adopt, hindi pa po pumapayag, e,” pagtukoy ni Ryle sa tunay niyang ama na si Junjun.

Sa mga nangyari, wala naman siyang sama ng loob sa kanyang ama?

“Wala naman po, dati nung nagkakagulo… siyempre nag-boil down na, like I’ve learned to move on.

“Kung hindi naman ako magmu-move on, magagalit lang ako forever.

"Parang, ‘Why? Why am I gonna stay mad?’

“So, ayun, naka-move on na rin ako.

"Civil naman po kami, we’re okay, okay naman po kami.”

Gaano naman sila ka-close ni Chris?

“Very po! Lahat po ng dark corners ng katawan ko, alam niya!

“Everything in my life, wala siyang hindi alam.”

Maliit pa lang daw siya ay malapit na siya sa kanyang amain.

LONE STARDOM. Bilang isang artista, nais ni Ryle na maging versatile kahit walang ka-loveteam.

“I’m hoping to be one of those people na hindi kailangan ng loveteam, yung ganun po.

“You can stand alone like every time na magkaka-movie, iba-iba, I wanna be a versatile actor.”

Sabi nga raw sa kanya ng tiyahin niyang si Claudine Barretto, a day before ng presscon nina Ryle, 'Love, puwede kang maging parang Cesar Montano!'

“Sabi ko, 'Grabe naman Tita ang bilib mo sa akin!’”

Close si Ryle kay Claudine, na estranged wife ng tiyuhin niyang si Raymart Santiago.

“Medyo po, actually she called me up yesterday.”

Sinabi rin daw sa kanya ni Claudine na magkakasama sila sa isang upcoming TV project ng Dos.

“Pero in a month’s time pa raw po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano sila naging close ulit ni Claudine?

“Nagkita po kami sa G Force kasi si Sabina [Claudine’s daughter] nag-enrol din po, so nagkikita-kita po dun.

“And then, yun, nag-start na mag-reconnect, nag-usap-usap po ulit.”

Unang beses daw niyang makakasama sa isang TV project si Claudine; at excited at tense si Ryle at the same time.

“Kasi that’s Claudine Barretto, super-galing po niyang umarte and she’s one of the most respected.

“Reyna na siya ng Philippine showbiz so that’s something hard to keep up with.

“Pero I think kaya naman po, they wouldn’t get me naman po kung wala kasi it’s her comeback.

“Hindi naman sila mag-e-experiment po, so I’m pretty confident, pero siyempre nakaka-pressure.”

Tila mas close yata siya kay Claudine kaysa sa mga Santiago?

Paliwanag ni Ryle, "Si Mama at si Tita Claudine, matagal na silang friends, even before.

“Nagkasama sila sa ABS, so dun pa lang magkakilala na sila.

"And then, pumasok yung whole Santiago thing, nagkakilala kami.

“Wala pa naman ako nung friends sila, then nagkakilala po kami, naging close po ako kay Tita Claudine.

“Ever since bata po ako, close na ako sa kanya.”

Dati rin raw ay ka-close niya si Julia Barretto.

“Now hindi na po masyado kasi siyempre Julia Barretto na.”


SELF-TAUGHT. Sixteen years old si Ryle at walang girlfriend.

Sabi niya, “Mahirap ang lovelife, natuto po ako sa parents ko.

"They’re like, ‘Ayaw mong makinig, sige, go experience for yourself.’

“Siyempre nasaktan na rin ako, so I’m focusing on myself para at least may magandang maidudulot.

“Nagsipag po ako for ilang months then, iyon, kaya ko na pong mag-guitar at tumugtog sa mga big audiences.

“A year ago today, kung pakantahin n'yo po ako, hindi ko pa kaya, nahihiya po ako sa pag-guitar, sumasabit-sabit pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon po, sobrang passion ko na po, sobrang mahal ko na po pagtugtog.

“Kasi before, ever since bata, dancing lang po... and ngayon na-develop na din po yung singing and playing guitar.

“And acting po, pero sa acting we had to work on that… from 2013 pa lang po nagwo-workshops na po ako sa ABS.”

Walang nililigawan si Ryle ngayon.

“Madami akong friends, pero hindi pa time magseryoso, e.”

Nagka-girlfriend na raw siya dati, “Bago naman po ako pumasok sa showbiz nagka-buhay din naman po ako.”

Ang desisyon niya na huwag munang magmahal ay may kinalaman ba sa hindi pagiging matagumpay na pagsasama ng ama at ina niya?

“Hindi naman po, reckless din po ako dati nung bata ako, so siyempre nasaktan, napagod.

“Sabi ko, ‘Teka, imbes na I invest all this time na walang nangyayari sa akin, paano ang future ko?’

“So, in-invest ko na lang yung time and effort sa sarili ko, e, maganda naman po yung naidulot.”

CRUSHES. Crush daw ni Ryle sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano.

“Sila po yung pinakamamaganda sa ABS na ka-age ko.”

Kaya tinanong namin si Ryle kung ano ang meron siya na wala kina Daniel Padilla at Enrique Gil, mga ka-loveteam, respectively, nina Liza at Kathryn.

Sagot niya, “Hmmm… well, siguro po, ako po may time pa ako to make sure na ang katawan ko okey, na physically fit.

“Tumutugtog po ba si Daniel?”

Sinabi namin kay Ryle na naggigitara rin si Daniel.

“Sumasayaw?”

Sinabi namin kay Ryle na more of an actor and a singer si Daniel.

“Ako po, sumasayaw,” at ngumiti ang binatilyo.

Ano ang meron siya na wala kay Enrique?

“Tumutugtog naman!” natatawang sabi ni Ryle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN