Video of Baron Geisler’s altercation with a bouncer in Pampanga goes viral

Hindi na bago ang mga insidenteng pagwawala o pakikipag-away ng aktor na si Baron Geisler sa mga bar. Nitong nakaraang July 7, isang insidente na naman diumano ang kanyang kinasangkutan, kung saan nagwala, nagmura, at naghamon ang aktor ng suntukan sa bouncer ng isang bar sa Pampanga.


Promo? Bahagi ng isang indie film o ng isang TV show? O totoong insidente?

Kasalukuyang pinag-uusapan sa social media ang kumalat na videos ng pagwawala diumano ng aktor na si Baron Geisler sa isang bar sa Pampanga.

Ayon sa nag-upload ng video na si Mojahid Abdulmoume sa Facebook, kuha ang mga video na ito sa Skytrax Bar, sa Angeles, Pampanga, noong July 7.

Ang unang video ay may habang 7 minutes at 11 seconds.

Base sa annotation ng kumukuha ng video, gustong pumasok ni Baron sa Skytrax bar pero hindi siya pinayagan ng bouncer dahil lasing daw ang aktor.

“Magdi-disco siya kaso hindi pinapayagan dahil bawal diyan ang lasing.”

Ang ibang salita ng kumukuha ng video ay tila Muslim language.

Makikita sa video na dahil nagpipilit ang aktor na pumasok, nagkaroon ng kaunting kumprontasyon sa gate ng bar.

Sa bandang ikaapat na minuto ng video, tila maayos namang nag-uusap si Baron at ang dalawang bouncers ng bar.

Bandang 4:28 ng video, akmang aalis na si Baron sa bar ngunit maririnig sa background ang mga salitang “Sira-ulo ka pala, e.”

Dito muling bumalik si Baron sa pintuan ng bar.

Hindi malinaw ang buong usapan nila ng isang bouncer, pero maririnig ang mga sumusunod: “O, sige, tawagin mo. Gusto mo ipapatay mo ako, ipapatay mo ako. Ba't mo ako tinatakot, dati na akong takot.”

Tinanong ni Baron ang bouncer kung ano ang pangalan nito at sumagot naman ito ng: “Anong pangalan ko? Ronnie ang pangalan ko.”

Kapansin-pansing medyo mahinahon pa rin si Baron na nakikipag-usap sa naturang bouncer.

Kasunod na maririnig ang mga salitang: “Huwag naman ganyan, ipapa-blotter kita. Pati pamilya ko inaano mo… binabalaan mo ako, e.”

Sabi naman nito sa isa pang bouncer, “Tumawag ka ng pulis dun. Ipapa-blotter natin ‘to. Binabalaan ako, pag may nangyari sa akin… Anong gagawin mo sa anak ko?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang unang video na mayroon nang 2 likes at 3,903 views. May caption itong “c varon papasok sa disco ng wla ayaw papasokin”

c varon papasok sa disco ng wla ayaw papasokin

Posted by Mojahid Abdulmoumen on Tuesday, July 7, 2015



THE SECOND VIDEO. Ang pangalawang video naman ay may haba na 1 minute and 30 seconds; mayroon na itong 5 likes, 5 comments, at 206,586 views at this writing.

May caption itong “c varon lasing ng wawala sa labas ng skytrack disco.”

Dito na makikitang nagwawala, nagsisigaw, at nagmumura si Baron.

Hamon ng aktor sa bouncer: “Tara na, umpisahan natin!”

Narito ang pangalawang video:

c varon lasing ng wawala sa labas ng skytrack disco

Posted by Mojahid Abdulmoumen on Tuesday, July 7, 2015

Sa eksklusibong pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nag-upload ng video, sinabi nitong ang kaibigan daw niya ang may hawak ng kanyang cellphone.

Napanood na lang daw niya ang video nang maibalik sa kanya ang kanyang telepono.

Umaasa naman ang mga tagahanga ng aktor na bahagi lang ito ng isang proyekto.

Kaugnay nito, nagpadala na ng mensahe ang PEP kay Baron para sa kanyang panig, ngunit hindi pa niya ito sinasagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN