Ynna Asistio denies rumored rift between mom Nadia Montenegro and Precy Ejercito

Matagal-tagal na ring usap-usapan sa tabloids ang diumano’y sigalot sa pagitan nina Nadia Montenegro at Precy Ejercito, pero pinabulaanan ito ng panganay na anak ni Nadia na si Ynna Asistio.


Pinabulaanan ni Ynna Asistio ang lumabas na isyung may alitan daw sa pagitan ng kanyang ina na si Nadia Montenegro at ng kaibigan nitong si Precy Ejercito.

Sabit din daw sa away nila si Laarni Enriquez.

Si Precy ay misis ni Senator Jinggoy Estrada, habang si Laarni ay ina ng ilan sa mga anak ni dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph Estrada.

Kalagitnaan ng Abril ngayong taon nang kumalat sa ilang tabloids ang balitang may namumuo diumanong matinding alitan sa pagitan nina Nadia at Precy.

Sa isang artikulo na lumabas sa Pilipino Star Ngayon noong April 24, nakasaad ang mga sumusunod:

“Hindi pa sinasagot ni Nadia Montenegro ang isyu tungkol sa hidwaan nila nina Precy Ejercito at Laarni Enriquez. Dapat ipagtanggol ni Nadia ang sarili dahil nakakasira ng reputasyon ang mga bintang sa kanya. Dawit ang pangalan ni Erap sa giyera ng dalawang kampo.”

Pero mariing itinanggi ni Nadia ang balitang ito sa panayam ni Reggee Bonoan na lumabas sa Bandera noon ding April 24.

Sabi ng dating aktres, “I swear, wala akong alam sa away daw namin nina Precy or ni Laarni, magkakaibigan kami at kumare ko sila, ninang sila ng mga anak ko, kaya nahihiya ako, ano ba ‘yan. Hindi totoo ‘yan, san kaya galing ‘yan?”

Sa pamamagitan ng Facebook messaging, nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Precy noong April 24 kung maaari ba siyang ma-interview tungkol sa isyu.

Pero hindi siya sumagot hanggang ngayon.

Sa ganung petsa rin, nagpadala ang PEP ng mensahe kay Nadia sa pamamagitan ng text messaging, pero hindi rin ito sumagot.


YNNA DENIES FEUD BETWEEN MOM AND PRECY. Kagabi, July 8, natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynna Asistio sa press launch ng dalawang bagong shows ng TV—ang LolaBasyang.Com at #ParangNormalActivity.

Isa si Ynna sa cast ng "Ang Plawtin ni Periking", ang second episode ng LolaBasyang.Com na magsisimula nang umere sa Sabado, July 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago pa magsimula ang press launch, eksklusibong nakausap ng PEP si Ynna sa backstage at dito ay naitanong namin sa kanya ang diumano’y alitan ng ina at ni Precy.

Itinanggi ni Ynna ang tungkol sa away, pero aware daw silang may mga ganun ngang balita.

“Ay, hindi po. Wala po.

“Kasi… alam mo, nagsabi na rin sa amin ang mga tao, parang ang dami nang tumawag sa mommy ko.

"Ang dami nang nagtatanong sa amin kung anong nangyari kay Tita Precy at kay Mommy, wala naman.

“Wala akong nakikita, napapansin kay Mommy.”

Wala rin naman daw nasabi ang kanyang ina tungkol dito.

Sa pakikipag-usap ng PEP sa ilang sources, medyo maselan ang mga kuwento tungkol sa ugat daw ng away nina Nadia at Precy. Kaya minarapat naming huwag nang isulat ang dahilan ng diumano’y sigalot ng magkaibigan.

Sa kabila nito, mananatiling bukas ang PEP sa panig nina Nadia, Precy, at Laarni sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN