Toni Gonzaga realizes it’s easier to get permission from hubby Paul Soriano than her Mommy Pinty

Toni Gonzaga on having a very understanding husband: "Of course, you’re blessed with a partner who understands your line of work and siyempre dahil direktor siya naiintindihan niya yung sistema sa industriya, nirerespeto niya iyon, so that’s one thing that I am thankful sa kanya, na alam niya yung commitment ko also sa trabaho."


Aminado si Toni Gonzaga na ngayong may asawa na siya ay sa kanyang mister na si Paul Soriano na siya humihingi ng permiso at advice pagdating sa mga desisyon sa kanyang career at buhay.

Biro pa nga ni Toni, mas madali raw magpaalam ngayon sa kanyang asawa kaysa noong araw sa kanyang ina at tumatayong manager na si Mommy Pinty.

Lahad ng Kapamilya TV host-actress, “Kasi dati nagpapaalam lang ako or ang nagde-decide ng mga ginagawa ko ang nanay ko, e.

“Mas na-realize ko ngayon mas strict pala si Mommy Pinty.

“Mas masaya pala magpaalam sa asawa.

“Kasi sa asawa, sabihin ko lang, tapos okay.

“Dati sa mommy ko, ang daming ano, e…

“Mas okay pala siya [Paul], hindi siya strict. Mas strict yung nanay ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa media announcement ng Dreamscape Entertainment Television para sa pinakabago nilang teleseryeng gagawin sa ABS-CBN, ang Written In Our Stars, kung saan kabilang ang actress-TV host sa mga bida kasama rin sina Piolo Pascual, Sam Milby, at Jolina Magdangal.

Ginanap ito noong Hulyo 3 sa 14th floor ng ELJ Building sa loob ng ABS-CBN compound.

Aprubado raw kay Direk Paul ang pagtanggap ni Toni sa Written In Our Stars, lalo na’t alam nitong sa ilalim ito ng produksyon ng Dreamscape.

Ayon pa kay Toni, malaki kasi ang utang na loob niya kay Deo Endrinal, ang head ng Dreamscape, dahil sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na maging bida sa isang teleserye noong lumipat siya sa ABS-CBN.

“I’m very grateful and thankful sa Dreamscape kasi parang noong nag-transfer ako sa ABS-CBN noong 2004, ang unang-unang nag-trust sa akin iyong unit ni Sir Deo for a teleserye.

“Hindi pa siya Dreamscape noon, ang first soap ko, 2006, yung Crazy For You [with Luis Manzano].

“It’s been nine years after, it feels good to be home in a unit na nagbigay sa akin ng first chance ko sa teleserye, so very thankful talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UNDERSTANDING HUSBAND. Marami ang nag-akala na magpapahinga muna o magbabakasyon si Toni pagkatapos ng kasal nila ni Direk Paul noong June 12.

Pero isang linggo makaraan ang kasal ay sumabak na agad si Toni sa paghu-host ng pagbubukas ng Pinoy Big Brother 737 sa ABS-CBN noong June 20. Tapos heto’t may gagawin pa siyang bagong teleserye.

Kaya naman natanong ng PEP si Toni, kung napag-usapan ba nila ni Paul ang tungkol sa pagtanggap niya ng sunud-sunod na trabaho.

Sagot niya, “Oo, napag-usapan.

“Acually, even before when I got engaged, tapos I signed the [renewal] contract with ABS-CBN, I know my commitment in my personal life and I also know what I committed with ABS-CBN.

“So, I think it’s just a matter of yung balance.

“Of course, you’re blessed with a partner who understands your line of work and siyempre dahil direktor siya naiintindihan niya yung sistema sa industriya, nirerespeto niya iyon, so that’s one thing that I am thankful sa kanya, na alam niya yung commitment ko also sa trabaho.

“I think, at the end of the day, it’s just a matter of communication and assuring your partner that he’s still your priority, and yung mga ginagawa ko ngayon may permiso naman iyon sa kanya.”

HAVING A CHILD WILL COME IN GOD’S TIME. Sa kabila ng maraming trabaho, napag-usapan na rin ba nila ni Paul ang pagkakaroon ng anak?

Ayon kay Toni, “Yes, oo, siyempre pinag-uusapan iyon ng mag-asawa, ang pagkakaroon ng anak.

“Pero iyon nga, dahil iyong commitment ko that I want to fulfill, etong show na ito [Written In Our Stars], I want to put my heart into the whole show and of course, with this new family na bubuuin namin.

“So, it will come in time, in God’s time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN