Chris Tiu answers issue on possible retirement from basketball

Kahit sinabi ni Chris Tiu na nag-e-enjoy siya sa paglalaro ng basketball sa PBA, inamin niyang maraming oras at pagod ang inilalaan niya rito kung kaya’t nakokompromiso ang kanyang ginagawa para sa iba pa niyang commitments.


Nilinaw ni Chris Tiu ang mga usapin hinggil sa diumano’y pagreretiro niya bilang basketball player ng Philippine Basketball Association (PBA).

Nagsimula ang haka-hakang ito kasunod ng mga sunud-sunod na tweets ng Rain Or Shine Elasto Painter cager na nagpapasalamat sa kanyang mga tagasuporta at teammates nang matalo sila ng San Miguel Beermen sa Game 4 ng PBA semifinals nitong Miyerkules, July 8.

Nagdulot naman ito ng kalituhan sa mga tagasuporta ni Chris na inisip na magreretiro na siya sa pagba-basketball.

Nitong hapon ng Huwebes, July 9, nag-post ni Chris ng kanyang pahayag matapos makatanggap ng sunud-sunod na tanong tungkol sa kanyang “possible retirement.”

Ipinost ni Chris ang kanyang pahayag sa blog niya.

Simula ng basketball player-TV host, "Sorry if I caused confusion with my tweets. I sent this statement to the journalists/writers who have been calling and texting asking about my possible retirement from basketball. Thanks for all your support!! :)”

Paliwanag ng player, nakadepende sa kanyang kasalukuyang team, ang Rain Or Shine, kung interesado pa silang i-renew ang kanyang kontrata.



“To those asking about my PBA status, first of all, we have to ask the ROS management if they are still interested to renew/extend my contract. I cannot just assume that they will keep me. We haven't spoken yet.”

Inamin ni Chris na isang taon na lamang ang plano niyang manatili sa PBA, subalit nagdadalawang-isip siya ngayon dahil masaya raw siya sa paglalaro.

Inisa-isa rin ni Chris ang mga dahilan kung bakit posibleng ipagpatuloy pa niya ang kanyang basketball career:



"I initially intended to play in the PBA for just one contract period but now I'm reconsidering because I never thought I would still enjoy playing basketball this much at this level.

“1) My teammates are just fun to be with and they are amazing players as well.

“2) The owners and management are very easy to deal with and they are like family, no nonsense politics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“3) I like Coach Yeng's style of running a team & his basketball philosophy. I've been learning a lot and it is only recently that I've really been able to adjust and get my confidence and rhythm going, somewhat.

“4) The ROS fans are the best!”

Hindi rin itinago ni Chris na hindi biro ang oras at effort na kailangan niyang ibigay sa paglalaro.

“As much as playing professional ball is enjoyable, it is also taxing physically, mentally & emotionally, which may compromise my quality of work for my other commitments.

"At the end of the day, I am truly grateful to the Lord, the team, the fans and the support of my family."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN