Alex Gonzaga stays focused on work: “I’m in a serious singleness.”

Alex Gonzaga on negative issues thrown at her: “Kasi yung mga negative na tao, kapag iniisip mo, hindi ba nakakahawa sila? So, dapat hindi mo sila iisipin kasi kapag may blessings na dumarating sa ’yo at iniintindi mo yung mga sinasabi nila, hindi ka mag-e-enjoy. So, para ma-enjoy mo lalo, para ma-enjoy mo one at a time yung mga dumarating sa ’yo, ma-enjoy mo yung moment, hindi ko na sila pinapansin.”


“I'm in a serious singleness. I'm very serious with myself.”

Ito raw ang pabirong pakilala ni Alex Gonzaga sa mga nakasama niya sa isang fashion event kamakailan, kung saan rumampa siya na nakasuot ng Rajo Laurel wedding dress.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga, “Talo ko pa ang mga may boyfriend.”

Read: See the very single Alex Gonzaga walking down the aisle in a wedding dress

Hindi nga ba naisip ni Alex ang pagiging single habang naglalakad nang suot ang wedding dress?

“Parang maiisip mo lang siya,” sabi ni Alex sa PEP.ph (Philippine Entertaintment Portal) at iba pang reporters na dumalo sa announcement ng bago niyang show, ang Wansapanataym Presents I , kanina, July 9.

Dagdag pa niya, “Pero dahil nga sa mga nangyayari rin sa career and sa personal life mo, hindi ka naman...

"Alam mo yung dadaan lang siya utak mo, pero hindi naman siya tatambay.

“Dadaan lang siya, pero mawawala rin yung thought na, 'Wala pa akong boyfriend.'

“Hindi naman siya nagli-linger. Dumadaan lang siya, parang habagat lang.”


POSSIBILITY WITH EJAY. Dahil bago ang makakapareha niya sa upcoming weekly series ng Dreamscape, hindi maiwasang matanong si Alex kung may posibilidad na magkaroon sila ng kissing scene ni Ejay.

Pabiro naman niyang sagot, “Baka po off-cam.”

Kasunod tuloy na tanong ay kung posibleng ma-develop ang isang romatic relationship sa pagitan nila ng Pasion de Amor actor.

Seryosong sagot ni Alex, “Personally, hindi ako nag-iisip ng ganyan.

“Kasi ayaw ko sa trabaho na mag-isip ka ng ganun.

“Dapat ang intensiyon mo ay mapaayos ang trabaho, hindi yung mayroon kang hidden motive. Paano mo maaayos ang trabaho?”


FOCUSED ON WORK. Sa ngayon, gusto raw ituon ni Alex ang kanyang atensiyon sa trabaho.

Sa katunayan, hindi raw niya pinapansin ang mga negatibong komento tungkol sa kanya, lalo na nang agad na natapos ang afternoon soap niyang Inday Bote.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko na iniisip 'yon,” ani Alex.

“Kasi yung mga negative na tao, kapag iniisip mo, hindi ba nakakahawa sila?

“So, dapat hindi mo sila iisipin kasi kapag may blessings na dumarating sa 'yo at iniintindi mo yung mga sinasabi nila, hindi ka mag-e-enjoy.

“So, para ma-enjoy mo lalo, para ma-enjoy mo one at a time yung mga dumarating sa 'yo, ma-enjoy mo yung moment, hindi ko na sila pinapansin.”

Kaya naman patuloy ang pasasalamat niya sa Dreamscape dahil sa pagbibigay pa rin sa kanya ng mga proyekto.

“Hindi naman sila yung parang wala nang nag-reply sa akin. Ini-invite pa rin naman nila ako.

“I know na genuine ang concern nila sa akin kaya 'di ako kinabahan,” sabi ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN