Dumarami ang bashers ni Carlos Agassi sa Instagram dahil daw sa pagiging #GGSS o Guwapong-Guwapo Sa Sarili nito.
Ang #GGSS (puwede ring Gandang-ganda Sa Sarili) ay isang hashtag na sumikat sa social media.
Pero para kay Carlos, “Kanya-kanyang opinion ‘yan e.
"Pero sa mga bashers ko, pasensiya na kayo, ipinanganak ako na ganito na hitsura ko, alam ko na po yun. Wala na tayo magagawa.
"Pero everybody has their say. Lahat naman sila may karapatan.
"Kung yun ang iniisip nila, e, di yun ang iniisip nila."
Dahil dito, may payo ang dating Star Magic talent sa mga itinuturing niyang bashers and haters.
Sabi ni Carlos, “Pero ako po, suggestion ko, mag-inspire tayo ng mga tao. And let’s try to be an example.
“When I was young, yung mga idolo ko, sina Mark Wahlberg, Gary Valenciano, sina Randy Santiago, sila Will Smith.
"Na-inspire ako, naging artista ako, naging commercial model ako, naging underwear model ako.
"So, sana ganun, we also touch lives. Don’t hate.
“Kasi yung iba, kaya naghi-hate kasi gusto nilang gawin, kaso hindi nila kaya.
"Huwag kayo matakot kasi, as long as gawin n'yo yung pangarap n'yo at di n'yo maabot, at least wala po kayong regrets, hindi po kayo magiging hater.
"Kasi ano naman yung mga hater, gusto nilang gawin, pero hindi nila kaya. So, naiinggit sila sa 'yo.
"So, imbes na idolohin ka nila, nagagalit sila.”
Ganun ba siya ka-proud sa kanyang physique at marami siyang nakahubad na larawan sa Instagram posts niya?
Sagot ni Carlos, “Hindi naman proud, pinaghirapan… alam naman natin yun, di ba? So, yun.”
A photo posted by Carlos Amir Agassi (@carlosagassi) onJul 9, 2015 at 6:31am PDT
MISSES ACTING. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carlos sa launching ng dalawang TV5 shows na LolaBasyang.Com at #ParangNormalActivity noong Miyerkules ng gabi, July 8, sa Sampaguita Gardens, Quezon City.
Isa si Carlos sa cast ng “Maryang Makiling” episode ng LolaBasyang.Com na pinagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith at Rodjun Cruz.
Mapapanood ito sa Sabado, July 11, 7 P.M.
Halos out-of-town shows ang pinagkakaabalahan ngayon ng dating miyembro ng HUNKS na kinabibilangan din noon nina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Jericho Rosales, at Bernard Palanca.
Kaya naman daw na-miss talaga niya ang pag-arte sa telebisyon at pelikula.
Pahayag ng 35-year-old actor, “Sobra. Everytime I’ve been given a chance to act, as long as maganda naman yung role, I grab the opportunity.
“Medyo maraming blessings na pumapasok [out-of-town engagements], alam niyo naman na before pa, the HUNKS pa, ang hilig ko talaga mag-perform basta masaya yung mga tao.
“And then, now, siyempre na-miss ko rin yung pag-arte, na minsan pakikiligin mo sila, minsan paiiyakin mo sila. Minsan gagalitin mo sila, mga ganyan.”