Marian Rivera and Angelica Panganiban exchange friendly banter on Instagram

Sa kabila ng pagiging artista mula sa magkalabang television networks, napapanatili nina Angelica Panganiban at Marian Rivera ang kanilang pagkakaibigan.


Malaking artista man sila mula sa magkalabang malaking TV networks, napapanatili nina Marian Rivera at Angelica Panganiban ang kanilang pagkakaibigan.

Hindi kaila ang pagiging magkaibigan nina Marian at Angelica.

Patunay nito ang mga post sa social media na magkasama sila, kasama ang iba pang kaibigan, sa ilang mahahalagang okasyon.

Isa na rito ang wedding shower ni Marian noong nakaraang taon.

Maraming salamat charlie @roxannebarcelo at @teenabarretto sa pagiging punong abala para lang mapaligaya ako sa araw na ito... At sa lahat ng kaibigan kong dumating salamat nakakataba ng puso kung paano ninyo ako pinapahalagahan at minamahal lalo na yung mga sinulat nyo sa papel kung sino ako sa buhay ninyo haaaaay di matatawan ang mga kaibigan tulad nyo salamat sa pagiging tapat at sa pag mamahal hanggang sa dulo mahal ko kayo! ❤️ @mysheenahalili @abettinnacarlos @glaizaredux @iamdianazubiri @imdivamontelaba @andreaetorres @aiaidelasalas @lj_reyes @katrina_halili @msritaavila @sarahlahbati @krystalreyes08 @gigiuson @sweetjohnlapus @rochellepangilinan @iamangelicap @macmerla @lou_delosreyes @ayenlaurel21 @gigiuson 💋❤️😊 #3rdBridalShowerNiYan👰 #Happiness 😍

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) onOct 19, 2014 at 8:04am PDT

Ngayong Huwebes, July 9, nagkaroon ng tuksuhan at palitan ng comments sina Angelica at Marian, na nagpapakita ng kanilang closeness.

Nag-post si Marian ng larawan kasama ang celebrity make-up artist na si Bambbi Fuentes.

Sa comment section, pinansin ni Angelica ang magandang bag ng Kapuso Primetime Queen.

Sumagot si Marian at tinanong ang Kapamilya actress kung gusto niya ng parehong bag.

Tinukso ni Angelica si Marian at sinabing akala niya ay ibibigay ito ng Kapuso actress sa kanya.

Nagbiro si Marian at tinawag si Angelica ng "Madam Claudia", ang pangalan ng karakter na ginagampanan ng Kapamilya actress sa ABS-CBN primetime teleserye na Pangako Sa ‘Yo.

Sa pagtatapos ng kanilang tuksuhan, nagsabihan ang dalawa na mag-ingat dahil na rin sa masungit na panahon.

TV guesting today... 💖 Gracias @bambbifuentes 🌷 @marian_ootd 🎀

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) onJul 8, 2015 at 7:35pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN