Aegis reveals secret to singing very high notes: "Bawal ang ice cream, bawal ang maalat, bawal ang chocolates..."

Sisters Kris, Juliet, and Mercy Sunot are the lead vocals of the powerful Aegis band. Aegis will stage their first-ever concert in Manila on July 23 and 24 at the Music Museum.


Halatang hindi sanay ang mga miyembro ng bandang Aegis na humarap sa press nang magkaroon sila ng mini-presscon noong Miyerkules ng hapon, July 8, para sa concert nilang Aegis in the City.

Gaganapin ang concert sa Music Museum sa July 23 and 24.

Ang Aegis ay nagsimula noong 1995, at binubuo nina Juliet Sunot (vocals), Mercy Sunot (vocals), Kris Sunot (vocals), Stella Galindo (keyboard), Rey Abenoja (vocals/lead guitar), Rowena Pinpin (bass guitar), at Vilma Goloviogo (drums).

Sila ang nagpasikat ng maituturing nang OPM classics at makaputol-litid na mga awitin gaya ng “Halik”, “Basang-basang Sa Ulan”, “Luha,” at "Sayang Na Sayang".

Medyo nahihiyang pahayag ni Mercy, “Hindi kami sanay. Kahit sa interview, hindi kami sanay.

“Kasi nagsimula naman kami sa wala.

“Sa amin, mas kumportable kami na ganito.”

First time daw nilang magkaroon ng concert sa Maynila, kaya nagpapasalamat sila sa Outbox Media Powerhouse Corporation ni Rossel Taberna, na siyang nag-produce ng two-night concert para sa kanila.

Sabi ni Juliet, “First time namin mag-show dito. May malakas ang loob na i-produce kami.”

SECRET TO THEIR SUCCESS. Magkakapatid ang tatlong bokalista ng Aegis na sina Mercy, Juliet, at Kris Sunot mula sa Cagayan de Oro.

Ayon kay Juliet, nabuo ang Aegis mula sa mga nagkawatak-watak na banda sa Mindanao.

Dagdag naman ni Juliet, “Mga latak na kami, pinagsama-sama kami, kaya kami nabuo. Galing Mindanao at Visayas, Vizmin kami.”

Kuwento naman ni Kris, pamilya sila ng singers, pero silang tatlo lang ang pinalad na napabilang sa Aegis.

Pero dumaan din daw sila sa matinding training mula sa kanilang mga magulang.

Sabi ni Kris, “Ang mother ko ang nagturo sa amin.”

Dagdag ni Juliet, “Bawal ang ice cream, bawal ang tuyo, bawal ang maalat, bawal ang chocolates, kailangan may hot water.”

Kuwento naman ni Mercy, “Nakakatikim kami ng ice cream, pero dapat na-microwave. Dapat hugasan muna ang maalat bago kainin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minsan ay nagkakasakit din daw sila at nawawalan ng boses, lalo na kung sunud-sunod ang shows nila at kulang sa tulog.

Simple lang daw ang ginagawa nila kapag nawawalan sila ng boses.

Sabi ni Juliet, na siyang may pinakamataas na boses sa kanilang magkakapatid, “Pag namamaos, sa akin lang candy, e. Yung Snowbear puwede na, tapos mainit na tubig.”

SMALL DREAM. Nung nagsimula silang kumanta, ang gusto lang daw nila ay tumugtog sa mga bars at makakain lang sila nang tama.

Pero ngayon ay malaki ang pasasalamat nila sa Diyos dahil kaya na raw nilang bilhin ang gusto nilang bilhin, lalo na para sa kanilang mga anak.

Pahayag ni Kris, “Ang pangarap namin na gusto namin mabili, nabibili na namin. Nakakain na namin ang gusto namin.”

Hirit naman ni Juliet, “Dati kasi wala kaming chicken, e.

“Puro itlog lang, anak naman ng chicken ‘yan!”

Singit ni Mercy, “Kung ano ang gusto ng mga anak namin, sige, okay lang.”

Sabi ulit ni Kris, “Nung time kasi namin hindi namin kaya. Yung chicken nun, hindi namin kaya.

“Yung ulam lang namin, itlog lang, lagyan lang ng malunggay.”

Patuloy pang kuwento ni Juliet, “Dati yung bahay namin, kapag umulan, naghahawakan kami sa poste.

“Ngayon, sige, ulan ka lang.”

Hindi raw nila akalaing aabutin nila ang ganitong tagumpay. Nakawalong albums na ang Aegis, at ang unang album nila ay naka-quadruple platinum.

Wala raw silang inaasam pa pagkatapos ng first major concert nila sa Music Museum.

“Sa amin, okay na kami na ganito lang. Basta nakapag-show kami dito sa Manila.

“Kung hindi na masundan, okay lang din,” sabi ni Mercy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN