Nadine Lustre laughs off rumor linking her to Andre Paras

Nadine Lustre on being linked to Andre Paras: "Ang treatment ko nga po sa kanya, parang nakababatang kapatid ko po. Ganun lang, parang brother and sister, ganun lang po."


Pinagtatawanan lang ni Nadine Lustre ang balitang pilit siyang nili-link ngayon kay Andre Paras, matapos maugnay ang kanyang ka-loveteam na si James Reid kay Julia Barretto.

Nagkasama noon sina Nadine at Andre sa Diary ng Panget (2014), ang lunching movie ng JaDine loveteam.

Ayon sa lumabas na report, nakita raw sina Nadine at Andre na magkasama, bagamat group date naman daw ito.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Nadine sa presscon ng Chain Mail noong nakaraang linggo, binigyang-linaw niya ang tungkol sa isyung ito.

Saad niya, “Wala pong ganun.

“Like what I said, may cousin po kasi ako na kasing-edad ni Andre.

“Tapos, yung cousin ko pong yun, friends with Andre.

“So, kapag sila ang kasama ko, parang pinsan ko na rin po si Andre.

“At saka, ang nakakatuwa po diyan, si Yassi [Pressman] at si James, pareho sila ng birthday, so pareho sila ng birth sign.

“Me and Andre naman are both Scorpio, so pareho ang utak namin, same po.”

LIKE A YOUNGER BROTHER. Mariing itinanggi ni Nadine na nagdi-date sila, pero inamin niyang nagkakasama sila minsan ni Andre sa mga lakaran.

Aniya, “It's not date-date naman po.

“Parang hang out-hang out lang, kasi me and Andre, ate po talaga ang tingin niya sa akin.

“Ganun po talaga.”

Ibig sabihin, walang posibilidad na maging sila ni Andre in the future?

Giit ng 21-year-old Viva contract star, “Wala po, parang weird, pero wala po talaga.

“Parang two years younger po siya sa akin."

Wala naman daw malisya sa kanila, kahit meron siyang post sa Instagram na nasa kotse na kumakanta-kanta pa.

Natatawang saad ni Nadine, “Hindi naman po, parang ganun lang po.

“Parang kapatid, wala pong malisya, promise po, promise.”

Hindi ba siya puwedeng ma-attract kay Andre?

Sagot ni Nadine, “Hindi po, kasi ang treatment ko nga po sa kanya, parang nakababatang kapatid ko po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun lang, parang brother and sister, ganun lang po.”

NEXT LOVETEAM PARTNER. Kung sakaling buwagin ang JaDine loveteam, sino ang gusto niyang makapareha sa mga young actor ngayon?

Ayon kay Nadine, “Parang ayoko munang mag-isip now.

“Parang gusto ko, pag dumating yun, surprise na lang.

“Kasi kahit kay James, 'di ko ini-expect na siya, e.

“Kasi before Diary ng Panget came, ang plano ko po is just to finish my studies, 'tapos go on directing.

“So, iba po ang plano ko until Diary came along, and lahat ay nagbago.

“Kaya ngayon, lahat po ng puwedeng mangyari sa akin, hindi ko iisipin.

“Parang, I'll cross the bridge when I get there, parang ganun po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN