GMA Network terminates 11 TAG members for joining protest against contractualization

In an official statement of Talents of GMA (GMA) dated July 8, the group condemned the sudden termination of their contract despite NLRC’s decision to declare them as "regular employees."


Inalmahan ng Talents Association of GMA (TAG) ang pagpapatalsik sa 11 nitong miyembro na bahagi ng News and Public Affairs programs na Imbestigador at Reporter's Notebook.

Ito ay sa kabila ng pagkapanalo ng grupong TAG sa kanilang regularization complaint na inihain sa National Labor Relations Commission (NLRC) noong June 25.

Read: GMA talents win labor complaint against GMA; declared as regular employees by NLRC


Kabilang sa mga napatalsik mula sa programang Imbestigador noong July 8 sina Christian Cabaluna (9 years), Mike Manalaysay (12 years and 6 months), Lora Queñano (8 years and 6 months), Phillip Sinco (6 years), at Mariet Cabral (10 years).

Noong July 3, napatalsik din mula sa programang Reporter’s Notebook sina Shera Catalan Teves (5 years), Elaine Mariel Magboo (4 years), Aldrin Carangalan (5 years), Dawn Po Quimque (2 years and 1 month), Veronica Guingon (5 years), at Michael del Rosario (10 years).

Wala umanong matatanggap na separation pay at benepisyo ang mga naturang empleyado sa kabila ng kaalamang nanilbihan sila sa kumpanya mula dalawang taon hanggang mahigit isang dekada.

Ayon pa sa opisyal na pahayag ng TAG noong July 8, tinanggal sa trabaho ang mga nabanggit na GMA talents dahil sa partisipasyon ng mga ito sa protesta laban sa contractualization practice ng network, noong June 5.

Sabi sa isang bahagi ng opisyal na pahayag ng TAG: “Such was not the case for 6 TAG members who are staff of the program ‘Reporter’s Notebook.’

“In addition to not renewing their contracts, the Network terminated them for breach of contract because of the group’s protest.

“This alleged breach was also the reason for the succeeding termination of 5 TAG members from the program ‘Imbestigador’, despite ongoing contracts."

Paliwanag pa ng grupo, “We believe that they were singled out from the rest of our members who exercised their right to form a group and petition the company.”

Sa kabilang banda, iginiit ng GMA na ang pagpapaalis sa puwesto ng may labing-isang miyembro ng TAG ay legal remedy ng kumpanya upang siguruhing maayos ang takbo ng kanilang operasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base ito sa opisyal na pahayag ni GMA Vice President for Legal Affairs Atty. Lynn Delfin, na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, July 9:

“The action taken by GMA was warranted by the situation as it is only proper for any management to ensure that operations are maintained in the most efficient manner and within the limits allowed by law.”

Sinubukan din ng PEP na hingan ng reaksiyon ang GMA tungkol sa desisyon ng NLRC na ideklarang “regular employees” ang mahigit isang 100 miyembro ng TAG na nagsampa ng regularization complaint sa network.

Ngunit sa ngayon ay wala pang sagot ang GMA hinggil dito.

Ganunpaman, nabanggit sa June 8 official statement ng TAG na ni-renew ang kontrata ng ilan sa kanilang mga miyembro na nagtatrabaho sa Kapuso Mo, Jessica Soho at Brigada.

Sabi rito, “Last June 30, the contracts of several of our members expired.

“Programs such as Kapuso Mo, Jessica Soho and Brigada renewed the contracts of their staff who are TAG members, consistent with the Network’s previous action of re-hiring the TAG members it initially let go last December 30 [2014].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN