Bobby Andrews admits he attempted to court Angelu de Leon during their TGIS days; Angelu could have said ’yes’

Bobby Andrews admitted that he once attempted to court onscreen partner Angelu de Leon during their TGIS days. However, there was one hurdle: “The thing was, nang medyo nakaamoy ang mommy niya, kinausap ako. ‘Si Angelu, bata pa ‘yan, hintayin mo muna mag-18 ’yan. Ayoko may mangyayari sa inyo bago mag-18 siya. So, whatever you have now, ganun na ’yon.’" But Angelu also admitted that if Bobby courted her, she


“Oo naman. Yes, yes, yes, I did.”

Ito ang naging sagot ni Bobby Andrews nang tanungin kung sinubukan ba niyang ligawan si Angelu de Leon noong kasagsagan ng kasikatan ng kanilang loveteam.

Patuloy ng 39-year-old actor, “Kasi, first of all, our friendship was really okay na, e.

“Parang kulang na lang dun sa friendship namin yung next step, di ba, which was having a relationship.”

Kaya lang, bakit hindi niya ito itinuloy?

Paliwanag ni Bobby, “The thing was nang medyo nakaamoy ang mommy niya, kinausap ako.

“‘Si Angelu, bata pa ‘yan, hintayin mo muna mag-eighteen 'yan. Ayoko may mangyayari sa inyo bago mag-eighteen siya. So, whatever you have now, ganun na 'yon.’

"Not in that exact [words], but something to that effect."

Ito ang ibinahagi ni Bobby sa PEPTalk shoot nila ni Angelu kahapon, June 9, sa GMA Executive Lounge.

Ngunit ayon kay Bobby, mabuti na lang na hindi niya itinuloy ang panliligaw sa kanyang ka-loveteam.

“So, alam mo 'yon, I realized, kung pinilit ko ‘yon and I courted Angelu, ta's naging kami going against her mom’s wish, baka…"

Dugtong ni Angelu, "... baka hindi kami ganito ngayon."

Pagsang-ayon ni Bobby, “Oo, baka magka-rift lalo.

“But, at the same time, there’s no difference between having a relationship and not having a relationship [with her].

“I had her exclusive to me five days a week, because we were working together.

"Not because we wanted to, but because we had to."

Natatawang hirit naman ni Angelu, “Because there were times that we don’t want to!”

Unang naging magkatambal sina Bobby at Angelu sa weekend teen show ng GMA Network na na TGIS noong 1995.

Nasundan ito ng sequel ng nasabing show na Growing Up at ng teleseryeng Ikaw na Sana, na parehong inere noong 1997.

Nagkatambal din sila sa ilang mga pelikula ng Viva Films, kabilang na ang TGIS: The Movie (1997), Laging Naroon Ka (1997), Wala Na Bang Pag-ibig? (1997), Ikaw Na Sana: The Movie (1998), at Ang Lahat Ng Ito’y Para Sa’Yo (1998).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa ni Bobby, “That’s the realization na, what’s the difference between having a relationship, not having a relationship.

“We were the best of friends already, we get along.”

Balik-tambalan ngayon sina Angelu at Bobby sa bagong afternoon series ng GMA na Buena Familia, na magsisimula sa July 27.


NO LABELS. Pagbabahagi naman ni Angelu, hindi na kailangan ng label ng relasyon nila ni Bobby.

Saad ng aktres, “Wala nang label, kaya before, I remember kapag ini-interview kami, ‘What do you guys have?’

“Sabi ko, ‘We’re more than friends but less of a lover.’ Kasi ganun talaga.

"Then we realized kung meron talagang perfect soulmate, walang relationship involved, that’s us.”

Dagdag naman ni Bobby, “Oo, si Angelu, she’d always say, ‘What you see is what you get! Yun na 'yon.’

“Parang pag nasa backstage kami, like magge-guest kami sa Eat Bulaga, then we’re in the dressing room, nakaupo siya sa 'kin, walang malisya!

“Pero everyone who sees us together, parang ‘Uy, ano ba, kayo na ba talaga? Ba't ayaw niyo aminin?’

“Like, for us, parang we were in that point na parang, ‘Sige, bahala kayo, think what you want to.’

“Pero sa amin, there’s really no malice, di ba?”


WILL ANGELU SAY YES? Tinanong namin si Angelu kung sasagutin ba niya si Bobby kung niligawan siya nito noon.

Natatawang sagot ni Angelu, “Oo naman!"

Kuwento pa ng 35-year-old actress, "Siguro naman, kasi nga, weird, nanood pa kami ng concert...

"Hulaan mo kung anong concert, very, very sweet concert—Alanis Morissette!

“Oo, kami, parang talagang Alanis Morissette yung papanood, parang siya [turo kay Bobby], ‘I have no clue who this girl is.’

"Habang ako naman, ‘Whooo!’ Party-party!

Dagdag pa ni Angelu, “But, I guess, kung pinilit nga namin, we would have destroyed what we have now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, at that time, talagang we saw each other as a confidante.

“Wala lang talaga yung label, hindi mo siya puwedeng lagyan ng label, kasi nga it ruins everything.

“Which, I guess, kids nowadays, youth nowadays have to realize that na hindi porke't masaya kayo bilang friends, dapat i-next level niyo na.”

Sa ngayon, maligaya nang pareho sina Angelu at Bobby sa piling ng kani-kanilang pamilya.

Si Bobby ay ikinasal kay Bienne Co at mayroon silang dalawang anak.

Si Angelu ay may dalawa nang anak mula sa kanyang past relationships bago sila ikasal ng mister niyang si Lorenzo Rivera, kung saan mayroon na rin siyang isang anak.

Para sa mas marami pang kuwento at rebelasyon nina Angelu at Bobby, abangan ang #BobbyAngeluOnPEPTalk.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN