Ejay Falcon ready for new relationship; finds Alex Gonzaga "malakas ang dating"

Ejay Falcon is willing to wait for the right girl, and it’s about time, "Kasi nakita ko sina Enchong [Dee], Gerald [Anderson], pero, ako, wala pa."


Sa unang pagkakataon ay magtatambal sina Alex Gonzaga at Ejay Falcon sa telebisyon.

Ito ay sa pamamagitan ng weekly series na Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid na handog ng Dreamscape Entertainment Televion at ng Kapamilya network sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment media ang Kapamilya actor sa presscon nito na ginanap sa Clean Plate sa Trinoma, Quezon City kahapon, July 9, hndi niya maiwasan na ma-excite na pag-usapan ang tungkol sa una nilang pagtatambal.

Bungad ni Ejay, "Actually, two hours pa lang kaming nag-close door meeting, e.

"So kuwentuhan, at saka same village din kami sa Taytay [Rizal], pero 'di naman kami masyadong nagkikita dun.

“Excited ako kasi kabaliktaran siya ng personalidad ko, ang taas ng energy, maingay.

"So natutuwa ako, na bilang isang tahimik na tao, ang sarap na may kasama na ganito.

"First time nga kaming magkasama… malakas ang dating."

"Minsan, nagkikita kami sa ABS [-CBN] o minsan kapag pumupunta ako sa ASAP.

"So bagong kaibigan ko si Alex at excited ako dito sa project kasi pambata.”

WHAT IF? May posibilidad ba na magkagusto siya rito habang nagti-taping sila?

Sabi naman niya, " A, paano ko ba sasabihin, ayaw kong pangunahan talaga.

"Ngayon lang kami magkakasama ni Alex, hintayin na lang natin kung saan papunta.

"Basta ang importante sa akin, sana maging kaibigan ko siya, sana maganda ang trabaho namin.

“Maibigay namin nang tama kung ano yung kailangan dun sa show namin."

Dugtong pa ni Ejay, "Pero ayokong sabihin na porke't masaya ako, masayang kasama si Alex, liligawan ko na?

"Kailangang maging kakilala ko po muna siya."

Pero, pasok ba si Alex dun sa ideal girlfriend niya?

Tugon ng PBB Teen Edition Plus grand winner, "Basta ako, gusto ko masaya, masaya yung kasama ko.

"Kasi ang sarap tumawa, 'di ba? Yun lang, dun lang muna, basta, abangan na lang po natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READY. Pero handa na rin daw si Ejay magka-girlfriend ngayon.

Ang huling naiugnay sa kanya ay ang Kapamilya actress na si Yam Concepcion.

Aniya, "Opo, matagal na ring... hindi talaga ako naghahanap, ang alam ko kusang dumadating yun.

"May mga dumarating sa buhay ko, minsan nga, nagiging nanay para sa akin, naging tatay para sa akin.

“Meron din talagang dadating na... babae sa buhay ko na magkakagusto ako, mamahalin ko, hihintayin ko na lang muna.

"Ayoko yung pupunta ako sa gimikan, at sasabihin ko sa mga kaibigan ko, 'Ihanap mo naman ako ng chick.’

“Ayaw ko nang ganun, gusto ko kusa kong mararamdaman yun at 'pag naramdaman ko na, ready naman na ako, bakit hindi?"

Naiinggit na nga raw siya sa ibang aktor na kapag uma-attend raw ng Star Magic Ball ay may mga ka-date.

Saad ng 25-year-old bachelor, “Parang never kong nagawa na um-attend ako na may...'Girlfriend ko po.'

"Kasi nakita ko sina Enchong [Dee], Gerald [Anderson], pero, ako, wala pa."

VERSATILE. Ibang-iba ang Wansapanataym Presents sa ginagawa niyang teleserye ngayon na Pasion de Amor.

Sabi nga ni Ejay, “Masaya ako kasi may mga kapatid ako na bata.

"Sa probinsiya namin, marami talaga ang nanonood ng Wansapanataym.

"At saka yung kuwento tungkol sa superhero, e. Dream ko talaga na maging isang superhero.

"Kaya dito, masaya ako na magagawa ko po yun."

Ibang genre nga ito para sa Kapamilya actor, hindi kaya malito na ang mga tahanga niya kung ano ba talaga ang gusto niyang tahakin sa showbiz?

Paliwanag niya, "Oo nga, kasi ito ay pambata.

"Nakagawa naman ako ng isang action nun, yung Dugong Buhay, 'tapos sexy naman ang dating ko sa Pasion de Amor.

"Siguro, hindi naman sila malilito, kasi ang makikita nila sa akin ay yung versatility ko bilang aktor, 'di ba?

"Halos lahat na nagagawa ko, sa tingin ko, positibo naman ang dating nun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN