Kiray Celis says she goes where the money is in showbiz: "Kahit saang istasyon may offer sa akin na puwede akong makabili ng bahay, lilipat ako.

Kiray Celis seriously feels a pang of envy towards Star Magic young artists who are Kapamilya contract stars, "Sa ABS, mayroong kontrata na kahit wala kang ginagawa binabayaran ka nila at sinusuweduhan ka nila... it’s not about fame, it’s about money, e. Nagagawa ko ito kasi gusto ko, pero pera-pera rin talaga, e.”


Aminado si Kiray Celis na handa siyang lumipat kahit saang TV station na magbibigay sa kanya ng magandang offer.

Ngayon ay wala siyang show sa ABS-CBN, kaya nagpapasalamat daw ang young comedienne dahil sa TV5 naman siya nabibigyan ng trabaho.

“Wala na po ako sa Luv U, parang pinapunta kami sa ibang bansa, sa Singapore.

“Ang last taping ko sa kanila noong nag-Malaysia kami,” panimulang saad ni Kiray.

Wala siyang project ngayon sa ABS-CBN?

“Wala po, kaya natuwa ako na nakasali ako sa #ParangNormal Activity, guest lang ako dapat dito na naging main cast na rin.

“Kasi nga si Direk Perci [Intalan] is nakasama ko na sa last Shake Rattle and Roll. Natutuwa siya sa akin, kaya tignan ninyo yung last two episodes ng show, puro ako, yung 'Ghost-selfie' at yung 'Manananggirl.' ”

Nakakatawang dagdag pa niya, “Parang hindi halata na favorite niya ako!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray sa double presscon ng bagong shows sa TV5 na ginanap sa Sampaguita Gardens last Thursday.

Ito ay ang back-to-back fantasy programs na LolaBasyang.Com at #ParangNormal Activity na kapwa magsisimula na sa July 11.

Kasama ni Kiray sa #ParangNormal Activity sina Ella Cruz, Ryle Paolo Santiago, Andre Garcia, Shaun Salvado, at Eunice Lagusad.

Si Boots Anson-Roa naman ang gumaganap na makabagong Lola Basyang sa LolaBasyang.Com.

STAR ENVY. Nabanggit din ni Kiray na kahit wala siyang show sa Kapamilya Network, hindi naman daw siya nawawalan ng ibang pagkakakitaan.

“Hindi ako nawawalan ng raket kasi kumakanta at sumasayaw ako, at nagho-hosting na ako, kaya natutuwa naman ako.

“Kapag tinatanong nga ako, ‘Buti pinayagan ka nila?’

“Bakit naman hindi? E, wala naman akong ginagawa sa kanila, ‘di ba?

“‘Tsaka mas maiinis pa ako kung wala na nga kong ginagawa, ‘tapos pagbabawalan pa nila ako.”

Aminado rin si Kiray na naiinggit siya sa ibang artists ng Star Magic, contract star ba siya ng ABS-CBN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, hindi ako nakakontrata sa kanila. Sa Star Magic, oo.

“Pero sa ABS, mayroong kontrata na kahit wala kang ginagawa binabayaran ka nila at sinusuweduhan ka nila.

“Hindi ako ganoong artista, e. 'Di po ako pinapirma.

“Siguro hindi ako ganoon kaimportante para papirmahin,” nakatawang sagot ni Kiray.

Nasaktan ba siya roon?

“Hindi naman, pero naiinggit ako,” nakatawang tugon pa niya.

MONEY TALKS. May pakiramdam ba si Kiray na parang ipinamimigay na siya ng ABS-CBN sa TV5?

“Alam mo, kung saan may project, kahit saang istasyon may offer sa akin na puwede akong makabili ng bahay, lilipat ako.

“Sinabi ko ‘yan sa mama ko… it’s not about fame, it’s about money, e.

“Nagagawa ko ito kasi gusto ko, pero pera-pera rin talaga, e,” seryosong pahayag niya.

So praktikal lang?

Sagot niya, “Oo naman kasi hindi na ako yung gusto kong sumikat ako, hindi na yung ganun, e.

“Hindi naman sa malaki na yung ulo ko na feeling ko sikat na ako.



“Pero hindi yun yung kailangan ko, hindi yun yung purpose ko kaya pumasok sa industry na ‘to.

“Pumasok talaga ako rito para makatulong sa pamilya ko.

“Iyon yung una kong rason at iyon pa rin yung rason ko hanggang ngayon,” saad pa niya.

May naipon na ba si Kiray?

“Mayroon na, sana malapit na, malapit na [makabili ng bahay].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN