Kiray Celis dreams of Tom Taus as a loveteam: "Parang pabebe po, ganoon!”

To those who bash her for sashaying as a beauty, Kiray Celis says, "Sa totoong buhay, hindi naman talaga ako ganoon kadaldal. Hindi naman ako feeling-maganda... kailangan ko yun sa trabaho ko, na maging ganoon ako... trabaho lang po ito talaga.”


Wala raw boyfriend si Kiray Celis, pero pinu-push daw niya sa mama niya si Tom Taus.

“Sana ay payagan na ako ni Mama, pero pinu-push ko naman,” pabirong saad niya.

“Sabi ko nga, payagan na niya kami ni Tom Taus.

“Talagang pinipilit ko po na i-guest si Tom Taus dito sa show namin.

“Kasi parang mas maganda po kapag may ka-love team po ako, parang pabebe po, ganoon!” nakatawang wika pa niya.

Kasama si Kiray sa cast ng #ParangNormal Activity sa TV5.

Nakapanayam nga siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last July 8 sa Sampaguita Gardens sa presscon ng seryeng ito ng TV5.

Bakit type niya si Tom?

“Kasi po ang hot niya! Huy, huwag ninyo itong isusulat, ha,” nakangiting wika niya.

“Hindi po, kasi parang kasing-height ko lang siya, ha-ha-ha!

“Hindi, kasi kilala siya ng mga tao at nakakasabik na galing siya sa ibang bansa, na na-miss ng lahat.

“Kasi hindi ba, si Cedie siya na parang sobrang sikat siya na parang puwede siyang ipantapat sa Lola Basyang?”

Cedie ang character ni Tom na sumikat sa pelikulang may kaparehong title noong 1996.

BACK AT THEM. Paano naman ba niya hina-handle ang bashers?

Nakangiting tugon niya, “Bashers? Actually kapag bina-bash nila ako, I do bash them also.

"Katulad ng kapag sinabihan ka ng maliit… kapag lalaki nagsabi sa iyo, sinasagot ko ng, 'Pogi ka ba?’

“Alam mo yun? Kapag bumalik sa iyo, ang sarap, e. Sila pa yung naiinis kaysa yung ikaw yung mainis.”

May nagsasabi na ba kay Kiray na parang feeling-maganda siya?

“May mga ganoon,” mabilis na sagot niya. “Kasi nga kada role ko puro ganoon, e. And nasanay na akong maging ganito.

“Pero hindi ako ganito, like sa totoong buhay, hindi naman talaga ako ganoon kadaldal.

“Hindi naman ako feeling maganda, e. Hindi ako gandang-ganda sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just that, kailangan ko yun sa trabaho ko, na maging ganoon ako.

“Pero na-realize ko rin at one point na kailangan ko lang maging ganito at maging bubbly.

“Kasi iyon yung kilala nilang ako, pero trabaho lang po ito talaga,” nakangiting pakli pa ng batang komedyana.

CAMARADERIE. Naniniwala raw si Kiray sa multo at aminado siyang matatakutin pagdating sa mga ganitong bagay kaya sobra raw siyang nag-enjoy sa kanilang bagong show na #ParangNormal Activity sa TV5.



“Itong #ParangNormal Activity, masaya siya… cutie, funny, scary. Lahat!



“Nakakatakot, nakakatuwa at siyempre matatawa ka,” saad ni Kiray.



Pahabol pa niya, “Sobrang enjoy ako, kasi sanay ako kay Direk Perci [Intalan] na kung anu-ano lang yung ipinapagawa niya sa akin.



“So, parang very normal ko lang ‘to, ‘tsaka masarap kasi kapag yung katrabaho mong director is hindi ka pressured.



“Yung mga gusto mong gawin ay nagagawa mo.



“Mahirap kapag yung takot ka sa director, ‘di mo magagawa yung mga gusto mong atake ng pag-arte mo.



“Si Direk Perci, hinahayaan niya lang ako kaya nagagawa ko lahat.”



Kasama ni Kiray sa #ParangNormal Activity sina Ella Cruz, Ryle Paolo Santiago, Andre Garcia, Shaun Salvador at Eunice Lagusad.



Kamusta ang samahan nila sa show?



“Okey po kaming lahat, masaya sa taping, sobrang okey po ang samahan naming lahat.



“Pero may pressure po kasi first time na ieere ito this July 11 na po, this Saturday.



“Siyempre, kumbaga, sa amin nakapangalan yung show at siyempre kapag bagong show…

“Sana ay panoorin nila, sana ay magustuhan nila dahil ginalingan naman namin at ibinigay naming lahat sa #ParangNormal Activity.



GHOSTLY. Ipinahayag din ni Kiray na naniniwala siya sa multo.



“I do, I do. Actually, wala namang masama kung maniniwala ka sa multo or kung anu-ano mang mga creatures.



“Hindi naman ‘yan maiisip kung hindi naman talaga pinaniniwalaan.



“May mga nakakaramdam at may mga nakaranas na rin… pero ako hindi naka-open yung third eye ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



“So never pa 'ko naka-experience ng multu-multo at sana ay huwag,” nakangiting paliwanag niya.



Paano kung sa gabi na parang may nararamdaman siya, ano ang gagawin niya?



“Natatakot ako! Lalo na yung favorite lola ko is namatay na.



“Feeling ko minsan napa-paranoid ako na baka pinupuntahan niya ako minsan, dinadalaw.



“Natatakot ako pero at the same time, okey naman kung loved ones mo.



“Pero kapag iba at humihingi ng tulong sa iyo, medyo nakakatakot.



“Pero hindi pa po ako nakakaramdam talaga ng multo, hindi po naka-open yung third-eye ko.



“Pero mahilig po ako sa mga kuwentong ganoon.



“Yung mga kaibigan ko kapag nagkukuwento ng katatakutan, nakikinig naman ako.”



Sinabi rin niyang dapat abangan ng viewers ang ‘Manananggirl’ episode ng #ParangNormal Activity.



“Naging manananggal ako rito, like two days akong nag-ano.



“First time sa tanang buhay ko na naging manananggal ako.



“So abangan ninyo kung makakabalik ako sa pagiging tao ko.



“Pero siyempre, lahat kami ay may mararanasang kung anu-anong kababalaghan dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN