Marco Gumabao reacts to his alleged photo scandals

Marco Gumabao became a trending topic early this morning because of his alleged photo scandals circulating over the net. However, in his official Twitter account, he just made fun of the scandalous photos and denied it, with the tweet, “Nice photoshop skillzzzzzzz."


Trending mula kagabi hanggang kanina sa social media, July 11, ang mga larawan na screen capture mula sa diumano'y video scandal ng 20-year-old ABS-CBN actor na si Marco Gumabao, partikular na sa micro-blogging site na Twitter.

Sa mga nasabing larawan, makikita ang isang lalaking nasa aktong hawak ang pag-aari o pagkalalaki.

Dinaan naman ni Marco sa pagbibiro sa kanyang official Twitter account ang tungkol sa kumalat na screen captures.

Inumpisahan niya ito kagabi sa tweet na, “Ano ba tong nakikita ko sa twitter?” at sinundan pa ng “Nice photoshop skillzzzzzzz.”

Kaninang umaga, ganun pa rin ang reaksyon ng Luv U star sa kanyang tweets tungkol sa mga larawan.

Nakiusap din siya na ayos lang daw na pag-trip-an siya subalit huwag na sanang idamay ang isa pang celebrity na menor-de-edad na pinag-uusapan din ngayon.

Nakisali rin sa pagbibiro ang ilan sa celebrity friends ni Marco, tulad ng And I Love You So lead actress na si Julia Barretto at Oh My G! cast member na si Patrick Sugui.

Base sa tweets ng aktor, tila pinabubulaanan niya na siya nga ang lalaking nasa iskandalosong larawan na kuha sa isang diumano'y video clip.

Kinontak na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kampo ni Marco para sa opisyal na pahayag tungkol sa isyung ito. Agad namang ilalathala ng PEP ang opisyal na pahayag sa sandaling ipaabot na nila ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN