Alex Gonzaga says she’s willing to wait for love: ’’Darating din yun."

Alex Gonzaga says she’s in no rush to fall in love for now: "Siguro it’s not meant to be. Ayaw ko talagang pilitin yung mga bagay na hindi talaga para sa ’yo, e. Kasi ang ending ay masasaktan ka rin, masasaktan ka sa wala, ’di ba?’’


Aminado si Alex Gonzaga na sa puntong ito ng kanyang career ay wala talaga siyang panahon pa para sa lovelife. Kahit hindi niya itinanggi na nagkaroon siya ng ilang dates noon, sa ngayon ay wala muna raw ito sa isip niya.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment media ang actress-TV host sa media announcement ng Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid na ginanap sa Clean Plate, sa Trinoma, Quezon City noong July 9, isa ito sa mga napag-usapan.

Bungad ni Alex,"Siguro it's not meant to be.

"Ayaw ko talagang pilitin yung mga bagay na hindi talaga para sa 'yo, e.

"Kasi ang ending ay masasaktan ka rin, masasaktan ka sa wala, 'di ba?

"Kaysa sa masaktan ka, dun na sa taong papasakalan mo, 'di yung sa wala."

LOOKING BACK AT PAST LOVES. Kasunod nito ay ang pagbalik-tanaw niya sa mga naging ka-date niya noon.

Sabi ng 27-year-old Kapamilya TV host, "Naka-date ko is tatlo.

"Yung pinaka-official is isa, non-showbiz siya.

"May nanliligaw sa akin? Wala.

"Inisip ko kasi, parang nakakahiya, wala.

"Kasi ang [definition ng] ligaw sa akin ay yung pumunta sa bahay."

Baka naman natatakot o nai-intimidate ang mga ito dahil siyempre, Alex Gonzaga siya.

O baka dahil na rin sa parents niya na naging istrikto noon sa nakatatandang kapatid niyang si Toni, bago pa man ito ikinasal kay Direk Paul Soriano.

Giit niya, "'Di, kasi dapat walang takot, kung mahal mo talaga ang isang tao.

"Okey naman kay Mommy [Pinty], basta 'wag lang taga-showbiz.

"Basta ang sabi lang niya, masasaktan daw siya kapag nagpakasal ako kaagad.

"Kasi daw, wala raw akong dyowa, 'tapos magpapakasal raw ako, masakit daw for her," nakatawang pagbibiro pa niya.

WILLING TO WAIT. Kung sakali bang dumating sa puntong magka-boyfriend na siya't naisipan na ring mag-asawa, gusto rin ba ng ina niya na isang long engagement din katulad ng kay Toni at Paul?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Hindi naman niya ako pini-pressure nang ganun kasi, kung mag-i-eight years, magti-thirty five na ako magpapakasal, 'di ba?

"So... hindi, basta ang sabi lang sa akin ng mommy ko, basta hintayin ko raw yung para sa 'kin, darating din yun."

CATCHING UP NEWLY-MARRIED SISTER. Sa puntong ito, ibinahagi niya sa PEP ang ilang bagay-bagay na napag-usapan nila ni Toni nang umuwi ito sa kanilang bahay sa Taytay, Rizal, para sa limang araw na pag-stay.

Pumunta ang asawa nito sa Sorsogon para sa shooting ng pelikula nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, kung saan si Paul ang tumatayong producer ng pelikula.

Kaswal na kuwento niya, "Wala, simple lang.

"Minsan daw, kapag nararamdaman niya raw ang buhok ni Paul sa legs, naiinis daw siya.

"Kasi first time nga niyang magkaroon ng katabi.

"'Tapos, ang aga-aga raw ni Paul magising, hindi siya maagang gumising.

"Pero feeling ko, hindi pa niya nararamdaman ang total adjustment, kasi nag-i-enjoy, e.

"First time nilang ginagawa ang lahat ng ito, e."

Sa mga kuwento ng kanyang kapatid tungkol sa buhay may-asawa, nai-encourage ba siyang sundan ang kanyang Ate, o hindi muna?

Tugon ng bagong leading lady ni Ejay Falcon," Sana, 'wag muna, ayokong may buhok sa legs. Charot!

"Hindi, sana 'wag muna, kasi ang dami ko pang gustong gawin.

"Ayaw kong magkaroon ng hindrance, ayoko muna."

EXCITED ABOUT NEW TELESERYE. Samantala, hindi itinago ni Alex ang kanyang naramdaman na pagkatapos ng kanyang matagumpay na Inday Bote teleserye ay hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin itong bagong episode ng weekly series na Wansapanataym.

Aniya, "Nung malaman ko na ang makakasama ko ay si Ejay, at si Direk Andoy Ranay ang magdidirek, hindi na talaga ang nagdalawang-isip na gawin ito.

"Alam ko na marami ang makakapanood nito, lalung-lalo na ang mga bata, at naniwala kaagad ako sa Dreamscape.

"Kung ano ang nakita nila, alam kong go ito, kaya go ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Higit sa lahat, naniniwala siya na matatanggap ng publiko ang bagong putahe ng pagsasama nila ni Ejay, kahit mas kilala na magkaibang genre ang kanilang pinanggagalingan.

Saad ni Alex, "Si Ejay, magaling na aktor siya, e.

"Mas magaling nga siya, dahil versatile na actor si Ejay, e.

"Ang dami na niyang nagawa, e.

"I'm sure magugustuhan nila ang show namin, ang team up namin, at magtutulungan kami para ganun nga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN