Ian de Leon to wed non-showbiz girlfriend of six years

Ian de Leon will tie the knot with his non-showbiz girlfriend of six years, Jennifer Conquilla Orcine tomorrow, Sunday, July 12, in a clubhouse in Quezon City. Among the principal sponsors are Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada, Manila Vice-Mayor Isko Moreno, German ’’Kuya Germs’’ Moreno, Lotlot de Leon’s Lebanese businessman boyfriend Fadi El-Soury, award-winning scriptwriter Ricky Lee and TAPE Inc. lady executive Malou Choa-Fagar.

&


Ikakasal bukas, Linggo, July 12, alas-sais ng hapon, sina Ian de Leon (Kristoffer Ian Villamayor de Leon) at ang kasintahan niya of six years na si Jennifer Conquilla Orcine sa isang clubhouse sa Quezon City.

Anim na buwang nagdadalang-tao si Jennifer o Jen.

Kumpirmadong dadalo sa kasal ang mga magulang ni Ian na sina Drama King Christopher de Leon at ang Superstar na si Nora Aunor.

Dadalo rin ang mga kapatid ni Ian tulad ng aktres na si Lotlot de Leon pero hindi makakarating ang isa pang kapatid ni Ian na si Matet de Leon dahil nagsilang ito ng isang baby girl kahapon, July 10 sa isang ospital sa Antipolo.

Ang ilan sa mga principal sponsors ay sina Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada, Manila Vice-Mayor Isko Moreno, ang Master Showman na si German Moreno, ang Lebanese businessman na kasintahan ni Lotlot na si Fadi El-Soury, ang premyadong scriptwriter na si Ricky Lee at ang TAPE, Inc. lady executive na si Malou Choa-Fagar.

Sa wedding invitation nina Ian at Jen ay nakalagay ang “Eat, drink and be married!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN