Former Sen. Ramon Revilla, Sr. rushed to the hospital

Former Senator Ramon Revilla, Sr. was rushed to St. Lukes Medical Center earlier, July 11, due to “metabolic encephalopathy secondary to dehydration and aspiration pneumonia." This was tweeted by her daughter-in-law Congresswoman Lani Mercado-Revilla.


Isinugod sa Medical Intensive Care Unit (MICU) ng St. Lukes Medical Center sa Taguig City, ang dating senador na si Ramon Revilla, Sr.

Kanina, July 11, nag-post ang Bacoor Congresswoman at daughter-in-law ni Revilla na si Lani Mercado-Revilla sa kanyang Twitter account na isinugod ang dating action star-politician sa MICU ng St. Lukes, at nanghihingi ng dasal.

Ayon sa report ng Inquirer.NET, sinabi ni Lani na dahil sa “metabolic encephalopathy secondary to dehydration and aspiration pneumonia” kaya isinugod sa ospital ang dating senador.

Ayon naman sa medical site na emedicinehealth.com, ang metabolic encephalopathy ay ang abnormalidad sa tubig, electrolytes, vitamins, at iba pang kemikal sa katawan na nakakaapekto sa pag-function ng utak.

Samantala, kasalukuyan namang naka-detain ang anak ng dating senador, na si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. dahil sa kasong plunder.

Nagsimula bilang action star si Ramon Revilla, Sr. at nagbida sa maraming pelikula, kabilang na ang Nardong Putik (1972), Hulihin si Tiyagong Akyat (l973), at Pepeng Agimat (1973).

Nanilbihan naman siya bilang senador mula 1992 hanggang 2004.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN